Ilang araw na ang nakalipas mula nung nakauwi kami galing sa hospital. Gusto ni Allen na sa bahay niya na kami umuwi, wala akong nagawa kahit na makipag talo pa ako ng paulit-ulit sa kanya wala akong magagawa kundi pumayag. Mas matigas siya kesa sa akin. Simula kahapon di pa namin napag uusapan kung paano ang magiging arrangement naming dalawa. Hindi ko din naman siguro kailangan maging asawa niya nanay lang naman ako ng mga anak niya. Nagising ako ng umagang yun naabutan ko si Allen sa kusina na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. "Hmm g-good morning." pukaw ko ng atensyon niya. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko. Binaba niya naman yung dyaryo na binabasa niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, napalunok ako sa paraan ng pag tingin niya para akong hinhubaran sa paraa

