Kanina pa ako di mapakali, palakad lakad sa labas ng operating room. Halos magdadalawang oras na mula nung nag-umpisa ang operasyon ni Amara. Kanina pa ako kinakabahan, I prayed so hard na maging successful ang operasyon ng baby girl ko. Alam kong di siya susuko at lalaban siya kaya dapat ay lumaban kami at hintayin siya. Naiiyak na naman ako. Hindi ko pa rin talaga mapigilan na di masaktan sa mga nangyayari. Muling lumipas segundo, minuto at oras pero wala pa ring lumalabas na doctor. Maya maya pa'y nagsilabasan na yung mga doctor na nagsagawa ng operasyon. Tumayo ako at agad na lumapit sa kanila. "The operation is successful Ms.Luciano." sabi nung head doctor. Nagpasalamat ako sa kanila, nagpaalam na sila na mauuna na. Tanging si Dra.Gelano na lang ang natira. "Clara thanks!" ma

