Matapos ang gabing ‘yun agad akong umalis at tinawagan si Clara para maisagawa na agad ang operasyon ni Amara. Umuwi muna ako para icheck si Aeon, nang dumating ako umiiyak siya dahil miss na miss niya na daw ang kakambal niya. Nag-ayos ako ng mga gamit na kakailanganin ko, nag bilin muna ako kay Melissa na bantayan ng mabuti si Aeon. Nang makaayos ako ng mga gamit, nagpunta na agad ako sa hospital room ni Amara, nakita ko na kinakausap siya ni Clara. "MAMA!" masaya niyang tawag sa akin. Ngumiti ako at lumapit sa kanya, binigyan ko sya ng halik sa noo. "Anak anong nararamdaman mo?" nag-alala na tanong ko. "Okay lang ako mama ready na ako, sabi ni Ninang after daw makakauwi na ako makakasama ko na si kuya Aeon." parang wala lang niyang sabi. Parang walang pangamba siyang nararamdaman,

