“Hay naku, Alona. Kahit pa magbantayan pa tayong dalawa buong maghapon at magdamag ay talagang madalang na madalang at bibihira talaga ang mga taong nadaan sa kalsada sa harap. Iniiwasan marahil ng mga tao. Sa ilang taon at tagal ko ng nagbabantay sa gate na yan ay talagang kaya pa yatang bilangin ng mga daliri ko sa kamay at paa ang mga taong nakita kong nagdaan. Madalas pa ay mga naliligaw. Kung mga delivery riders naman ay mga kakilala ko na sa araw-araw ba naman na may mga order ang amo nating babae? Ngunit napansin ko nga na dumalang ang mga order ni Ma'am Glenda.” Mga kwento ni Bong ng magsabi si Alona na sasamahan na muna siyang magbantay ng gate habang wala pang ginagawa ang dalagang kasambahay. Wala rin naman kasi ang kanyang among babae dahil nagpunta na naman ito sa doktor kasam

