“Ma'am, mabuti ho at bumalik na ang dati mong sigla,” ang pagbati ni Alona ng makitang abala sa pagsusukat ng mga bagong scarf ang kanyang among si Glenda. Nasa harap ng malaking salamin si Glenda at isa-isang tinitingnan kung ano ang kulay na bagay sa kanya. May pupuntahan na bahay-ampunan si Glenda. Isang klase ng ampunan na kumakalinga sa mga matatandang babae at lalaki na inabandona na kanilang pamilya o kaya naman ay mga matatanda na natagpuan na pakalat-kalat na lang sa lansangan. Matagal ng nagdo-donate ng malaking halaga ng pera ang kanyang Papa sa bahay kalinga na yon at ngayon ay araw ng anibersaryo nila kaya naman naimbitahan sila ng Papa niya na dumalo. Ngunit dahil hindi makakarating ang kanyang ama ay siya na lamang ang magpupunta. “Mas bagay sayo ang kulay puti, ma'am.

