Pagdating sa bahay kalinga para sa mga matatandang lalaki at babae ay agad na sinalubong naman ng mg kawani ang sasakyan nina Glenda. Nagtulong ang mga kawani na ibaba ang lahat ng mga gamit sa loob ng sasakyan habang si Alona ang siyang tumutulak sa kanya wheel chair patungo sa malawak na hardin kung saan gaganapin ang munting programa. “Ang dami pa lang mga matatanda ang nasa ampuna na ito,” puna ni Alona ng makita ang mga matatanda. May mga nag-uusap, may mga nagtatawanan at may iba naman na tahimik lang at nagmamasid lang sa paligid. “Ma'am Glenda, labis po kaming nagpapasalamat na nakapunta kayo sa aming pagdiriwang ng anibersaryo at nag-abala pa kayo ng mga regalo. Salamat po at pagpalain pa kayo lalo ng buong pamilya niyo,” ang taos-pusong pasasalamat ng babaeng may edad na siya

