NAPATITIG sa kaniya ang dalawa na tila hindi makapaniwala sa sinambit niya. " Gusto mong makipagbalikan kay Toni, pare?" paniniyak ni Alex. Hindi kaagad siya nakaimik. Pinakiramdaman niya muna ang sarili kung talagang sigurado na ba siya sa nararamdaman o baka epekto lang ng alak kaya niya nasambit ang mga bagay na iyon. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa desisyon. Kahit mahal niya pa ang babae hindi ibig sabihin ay gagawin niya na ang bagay na hindi muna pinag-iisipan. May takot pa siya dahil sa nangyari sa nakaraan ngunit ayaw din naman niyang mapunta si Maritoni sa ibang lalaki. " Paano si Darlene?"kunot ang noong tanong ni Andrew. " I guess, you have to tell her the truth para naman alam niya then you have to break-up with her." " Ang totoo niyan h-hindi pa ko ako sigurado," nalili

