" TUMIGIL ka na nga, Troy. Ano bang ginagawa mo?" bulong ni Maritoni sa binata. Hindi niya alam ang sasabihin ng gabing iyon lalo't kitang kita niya ang labis na pagkagulat sa mukha ng mga magulang nito. " So, Mom and Dad? There she is! Ang babaeng pakakasalan ko." Gusto niya nang awatin ang binata sa ginagawa ngunit tila napipi siya. Napansin pa niya si Kyle na napaubo matapos nitong tunggain ang baso na may lamang wine. " Well, son, you really surprised us! This is the first time na may ipinakilala kang girl sa'min," nangingiting wika ng Daddy ni Troy. Tama ba ang nakikita niya? Nakangiti ang mga magulang ni Troy at mukhang hindi galit ang mga ito. Ni hindi man lang tinanong ang family background niya.Hindi katulad ng mga napapanood niya sa teleserye na kapag ganoon ang eksena na

