HINDI agad siya nakakilos dahil sa kabiglaan habang nakatanaw kay Kyle na noon ay namimilipit dahil sa pagkakapaso,habang si Darlene naman ay mabilis na binasa ang kamay na nagkaroon din ng paso. Matapos noon ay mabilis din itong pinuntahan si Kyle. " I'm really sorry, Kyle hindi ko sinasadya!" anito na tila hindi alam ang gagawin. "Halika, dadalhin kita sa ospital!" Ngunit pinaksi lang nito ang kamay ng dalaga. " Are you okay?" Tanong pa ng lalaki sa kaniya ng mapansing wala siyang kakilos-kilos at tila tulala. " Toni, nasaktan ka ba?!" ang sigaw na iyon ng lalaki ang tila nagpagising sa kaniya kaya mabilis niya itong nilapitan. Halos maiyak na siya sa nakitang lapnos ng lalaki. " Ano? Nasaktan ka ba?!" tila natatarantang tanong pa rin ni Kyle habang sinusuri ang kaniyang katawan. "

