Mabilis na inayos ni Maritoni ang sarili upang mapagtakpan ang halos hubad ng katawan. " Damn! Darlene, ano bang ginagawa mo dito?!" gulat na tanong ni Kyle. Hindi umimik si Darlene, matalim pa rin ang tingin nito at kababakasan ng labis rin na pagkabigla. Pakiramdam ni Maritoni ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa hiyang naramdaman. Bigla ay nainis siya sa sarili mukhang nakalimot na naman siya sa at bumigay na naman kay Kyle, para kasi siyang nahihipnotismo sa tuwing magdidikit ang katawan nila ng lalaki. Ngunit ang lalong hindi niya matanggap ay mismong si Darlene pa ang nakasaksi sa kanila, ano bang problema ng babaeng 'to at bigla na lang pumapasok sa kwarto ng may kwarto? " Oops, sorry! Did i disturb you? Next time mag lock naman kayo ng pinto," nangingiti nang turan n

