Napalingon sa kaniya si Darlene, bakas sa mukha ng dalaga ang pagkabigla. Sinalubong niya ang titig nito upang ipaalam na seryoso siya sa tinuran. " Maybe you did'nt notice, kay Kyle lang kasi nakatuon ang atensyon mo. This time magiging matapang na ako na aminin sa'yo ang feelings ko," aniya. Hindi kaagad nakaimik si Darlene, malamang ay hindi pa rin nakakabawi sa pagkabigla dahil sa nalaman. " Ano na, Darlene? Anong sagot mo? If you will accept me i'll promise i will do anything to make you happy, just say yes." Halos pigil ang hininga niya habang hinihintay ang magiging sagot ng dalaga. At hindi niya alam ang mararamdaman kung sakaling tanggihan siya nito. Sa totoo lang ay takot siya sa rejection kaya mas pinili niyang ilihim ang nararamdaman para sa dalaga. " Ano na naman bang p

