HALOS hindi makapaniwala ang mga kaibigan ni Maritoni matapos malaman ang muling pagpapakasal nila ni Kyle. Kinuha niya ang mga ito bilang saksi sa kasal nila. At dahil napagpasyahan nila na sa huwes gawin iyon kaya hindi ganoon katagal ang naging proseso. " Hayy, naku! Sa daming nangyari sa kasalan rin pala ang tuloy niyo," ani Carol. " Desperado na kasi ako, pag hindi ko ginawa iyon baka matagalan pa bago ko makasama ang anak ko. Ginagawa ko naman 'to para sa kaniya." " True ba, sis? Iyon lang ba talaga ang reason? How about your feelings for Kyle?" nanunudyong turan naman ni Jona. Napangiwi siya sa sinabing iyon ni Jona. " Matagal nang lipas ang tungkol sa'min ni Kyle, masyado nang maraming masasakit na nangyari at ayoko nang umasa na magiging okay pa kami." " Alam mo sis, hanggat

