IPIILIG ni Maritoni ang ulo para gisingin ang sarili dahil tila napatda siya nang makita si Kyle na ngayon ay katabi na niya sa upuan at inagaw pa ang hawak niyang bote. Kinurap-kurap niya ang mata sa pagkakatitig dito at pinilit na maging kaswal. Muli siyang kumuha ng ibang bote ng alak ngunit muli iyong inagaw ng lalaki. Sinubukan pa niyang makipag-agawan dito ngunit mas malakas ang lalaki kaya hinayaan niya. Kumuha pa siya ng iba ngunit ganoon din ang ginawa ng lalaki. Natutulalang nakamasid lang sa kanila ang nga kaibigan. " Ano bang problema mo, ah? Bakit nang-aagaw ka ng alak?" inis na puna niya rito na halata na sa boses ang kalasingan. " Ang dami mo nang nainom, tumigil ka na! Hindi ka naman sanay uminom,ah?" tiim bagang na sagot nito sa kaniya. " Wala kang pakialam kung gusto

