Sunod-sunod na doorbell ang narinig ni Kyle sa loob ng kaniyang unit nang araw na iyon. Lumabas siya ng kuwarto para pagbuksan ang nangahas na gawin iyon nang isang kamao ang sumalubong sa kaniya nang pagbuksan niya iyon. Tiim ang bagang ni Andrew habang matalim ang titig sa kaniya. Maging si Alex ay nagulat sa ginawang iyon ng kaibigan. " A-ano bang..?" gulat ang mukha na tanong niya dito habang sapo ang nagdurugong bibig. " Bagtrip ka, pare! Paano mo nagawa iyon kay Darlene?! Matapos mo siyang pagsawaan at paasahin itatapon mo na lang siya na parang basura?!"gigil na bulyaw nito. Pinigil niya ang sarili na patulan ang kaibigan. Kitang-kita niya sa mukha nito ang matinding pagkadismaya, ngayon niya napatunayang may lihim nga itong pagmamahal para kay Darlene. Noon pa man ay napapansi

