MALALIM na ang gabi nang makauwi siya sa kaniyang unit. Akay-akay siya ni Alex dahil hindi niya na kaya pang magdrive dahil sa kalasingan. " Anong nangyari, bakit lasing na lasing siya?" narinig niyang tanong ni Darlene sa kaibigan. " Hindi ko nga alam,eh. Bigla na lang siyang sumulpot kanina sa bar." Ipinasok siya nito sa loob ng kwarto niya at inihiga sa kama. " Kaya pala bigla siyang nawala kanina sa site,magkasama pala kayo? Why did you let him get drunk?" naiinis na tanong nito. " Ayaw paawat,eh. Hayy, ano ba iyan nasisi pa ko," kamot-ulo nitong tugon. " O sige,alis na ko marami pang costumer sa bar," anito at tumalikod na upang lisan ang lugar na iyon. Napakainit ng pakiramdam niya at nasusuka siya kaya pinilit niyang tumayo ngunit nabuwal siya kaya dinaluhan siya ni Darlene

