NAGING marahas ang bawat halik ni Kyle sa kaniya,ramdam niya ang mapagparusang halik nito. Parusa na tila langit naman ang hatid sa kaniya. Sinubukan niya itong itulak ngunit parang bakal sa tigas ang katawan nito habang nakadagan sa kaniya. Nakataas din ang kaniyang dalawang kamay na mariing hawak ng lalaki kaya hindi talaga siya makakilos. Pinaliguan siya nito ng maalab na halik sa mukha hanggang sa leeg at marahang kinagat-kagat ang kaniyang chin. " You really drive me crazy," bulong nito sa kaniyang tenga na pinanggigilan ring kagatin iyon. Dinig niya ang lalim ng paghinga nito. Hindi niya napigilan ang mapaungol sa ginawang iyon ng lalaki. Muli nitong marahas na inangkin ang labi niya at hindi niya namalayang gumaganti na rin pala siya ng halik dito. Muli na namang nanaig sa k

