HINDI alam ni Kyle kung paano niya sasabihin kay Darlene na kailangan na nilang putulin ang relasyong nag-uugnay sa kanila. Matapos ang engkwentro nito kay Maritoni ay magkasama sila ngayon sa kaniyang unit na tila ba walang nangyari. Pinagmamasdan niya ang dalaga na kasalukuyang naghahanda ng kanilang hapunan. Gusto niya nang maayos ang kanilang pamilya ngunit paano niya magagawa iyon kung palaging sisirain ni Darlene ang inuumpisahan na sanang magandang samahan nila ng dating asawa? Kung noon pa sana tinigil niya na ang pantasya ni Darlene na mayroong 'sila' ngunit hindi niya ginawa. Nakita niya kasi ang magandang epekto nito sa anak. Gusto niya tuloy pagsisihan ang padalos-dalos na desisyon na ginawa noon,sana pala noon pa ay niliwanag niya kay Darlene na imposible na maging sila. Ni

