" Ang aga mo yata? Saan ka ba pupunta ng ganitong oras?" tanong sa kaniya ni Kyle nang magising ito isang umaga at mapansing nakabihis siya. " Pupunta lang ako sa office, kailangan naming pag-usapan ni Troy ang tungkol sa opening ng restaurant," paliwanag niya sa lalaki. Alam niyang pipigilan siya nito kaya sinikap niyang magdahan-dahan ng kilos ngunit nagising pa rin ito. " Ano? 'Di ba sabi ko sa'yo na umalis ka na sa restaurant na iyon? I can give all your need kami na lang ni Angel ang pagtuunan mo ng pansin." " I told you i can't do that, nakakahiya naman kay Troy." " Iyon lang ba talaga ang dahilan? Oh, hindi mo talaga siya kayang iwan dahil hanggang ngayon may relasyon pa rin kayo?" galit nitong turan. Tumayo ito at nagsuot ng damit, nakasanayan na kasi ng lalaki na tangin

