KANINA pa nakatanaw si Maritoni sa labas ng mansion, ilang oras na rin kasi ang lumipas mula nang umalis ang anak ngunit hindi pa ito bumabalik. Sinubukan niya pa itong tawagan sa cellphone ngunit hindi nito sinasagot kaya naman sobra na siyang nag-aalala. " Bakit ba kanina ka pa hindi mapalali diyan, babe?" puna sa kaniya ni Kyle na kanina pa pala siya pinapanood. " Ang tagal kasi ni Angel, kaninang umaga pa siya umalis, 'di ba? Sobrang nag-aalala na ako." " Just relax, baka naman nag-e-enjoy siya together with her friends?" pagpapakalma ng asawa sa kaniya. " She's only thirteen years old paano naman ako hindi mag-wo-worry? Ang sama na ng paligid, rape dito p*****n doon! Sana pala hindi ko siya pinayagan!" " Matalino si Angel, hindi siya gagawa ng bagay na ikapapahamak niya," kalm

