Sa isang magarang restaurant nila napiling mag lunch magkakaibigan. Ito ang pa farewell party nila para kay Andrew sa planong pag migrate nito sa Amerika kasama si Darlene. Ayaw mang makita ni Maritoni si Darlene sa huling sandali ay napilitan na siyang sumama dahil sa kagustuhan ng asawang si Kyle. Nagrent sila ng isang restaurant para tanging sila lang ang omukopa sa naturang lugar na si Carol at Jona mismo ang nagpa book. " Hi, sis!" Agad siyang sinalubong nina Jona at Carol saka nakipag beso-beso. " Ang tagal nating di nagkita, ah?" ani Jona. " Oo nga, eh sobrang naging busy niyo rin kasi," aniya. " Oh, my God! Hi, Angel ang laki-laki mo na!" ani Carol na niyakap pa ang inaanak. " So, pretty naman ng inaanak ko! Halika ipapakilala kita sa kinakapatid mo!" ani Jona na nakiyakap

