CHAPTER FIFTEEN

918 Words
KAHIT hindi sabihin ni Maine kung ano ang tumatakbo sa isip niya ay alam kong may kaugnayan iyon sa kuya kong si Greg. Ayaw kong pangunahan at pilitin si Maine na sabihin niya ang totoo. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko. Hindi ko pa alam ang katotohan pero heto ako ngayon, sobra-sobra na ang sakit na nararamdaman ko. Nang mapansin kong napadako ang tingin ni Maine sa akin. "Owh! bakit ka nalungkot?" Si Maine. "W-Wala loves may naalala lamang ako!" Pilit ang ngiti at pinasiglang tinig ang ginawa ko para hindi na ito makapag-usisa. Napatango-tango naman siya, mayamaya muli siyang nagtanong. "Si Bridgette nga pala ano mo siya?" Tanong niya sa akin, napansin kong tila may inis pa sa tono ng pagtatanong niya. Teka nagseselos ba ito kay Bridgette dahil sa isiping iyon ay nawala na ng tuluyan ang tampo ko sa kung ano ang ugnayan ng Kuya ko kay Maine. "Family friend sila ng pamilya namin loves mga bata palang kami ni Kuya Greg ay magkakaibigan na ang pamilya namin, so wala kang dapat ikabahala nor ipagselos loves dahil ikaw lang ang tinitibok ng puso ko," ang mahaba kong paliwanag rito na 'di naman mapuknat-puknat ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko. Kitang-kita ko pa ang pamumula ng mukha niya, ang ganda-ganda talaga nito kapag nagkukulay mansanas ang mga pisngi. "H-Hindi ako n-nagseselos huh Alden mukha mo, tigilan mo ako!" Mautal-utal niyang sabi habang mabilis nitong iniiwas ang mukha niya sa akin. "Umamin ka na kasi loves nagseselos ka!" Pamimilit ko pa rito, nakabusangot na siyang tumingin sa akin. "Hindi nga! Asa ka pa!" Pilit na deny niya. Patuloy pa rin ako sa pagmamaneho sa totoo lang lalo kong binagalan ang pagmamaneho, nag-eenjoy kasi akong tuksuhin pa siya. Isang sundot ang ginawa ko sa kaliwang tagiliran ni Maine. Napaigtad nga siya na tila nagulat pa, lalo ko siyang tinukso habang siya patuloy sa hindi pag-amin. Napuno nang kulitan namin ang loob ng kotse ko, nagpipigil na ako ng tawa baka mainis siya at tuluyang bumaba ng kotse. Nang makarating nga kami ng bahay nila ay agad na akong lumabas ng kotse. Pinagbuksan ko siya ng pintuan nang mapansin naming bumukas ang maliit na gate ng mga ito. Lumabas roon ang isang lalaki na may edad na rin, nanatili naman na nakatayo si Maine sa tabi ko. Agad akong lumapit sa lalaki kahit hindi ko pa nakukumpirma kong sino ito sa buhay ni Maine ay sigurado akong may kaugnayan naman kay Maine ito. "Magandang hapon po, ako nga po pala si Alden Vriganza boyfriend ni Maine po," pakilala ko rito sabay mano dito. Nangiti naman ang matandang lalaki sa ginawa ko, inaya niya akong pumasok. Agad kong binalingan si Maine na tumango naman. Nauna pa siyang pumasok habang ako ay sinabayan lamang ng lalaki. " Mabuti naman at nakakayanan mo ang ugali ni Maine iho, medyo pasaway kasi itong unica iha namin," patuloy nitong sabi. "Papa naman kung anu-ano mga sinasabi niyo kay Alden, hindi naman nagtatanong iyong tao," nagdadabog na sabi niya sabay akyat ng hagdan. Nahihiya naman tumingin sa akin ang Papa ni Maine. Nginitian ko na lamang ito. Nang isang may edad naman na babae ang lumabas sa isang silid. Agad akong tumayo, nagpakilala at nagmano rito. Nangiti rin ito matapos akong magpakilala dito. "Ikaw ba talaga ang nobyo ng anak namin, ang galang mo naman ire kasuwerti naman ng anak namin kung sakaling ikaw ang mapangasawa niya." papuring saad nito sa akin. Ilang sandali na akong nakikipagkuwentuhan sa mga magulang ni Maine nang makita kong bumababa ng hagdan ito. "Owh! Akala ko umuwi ka na?" Si Maine na bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Napakamot na lamang ako sa ulo. "Ah eh nakipag-kwentuhan lang naman ako kay Tatay Nicanor at Nanay Pampam." Pinagsalikop niya ang dalawang braso at lantaran pang umikot ang mga eyeballs nito na tila nairita. Dahil sa inasal ni Maine ay minabuti ko nang magpaalam sa mga ito, nangingiti namang tinapik ako ng papa niya sa likuran. Tila ito na ang mga nagpapasensiya sa pagtataray ni Maine. Inihatid ako ni Maine sa may tarangkahan pati ang Papa at Mama niya ay sinabayan rin ako sa paglabas ng pintuan ng kanilang bahay. Nagpaalam na ako sa mga magulang ni Maine, marahan kong yinakap at hinalikan sa noo si Maine. Muli namula ito, hindi na ako nagtagal dahil baka naaabala ko na sila sa mga gawain ng mga ito. Papasok na ako sa kotse ng maulinigan ko ang sinabi ng papa ni Maine. "Mas gusto ko siya kaysa sa kuya niyang si Greg." halos bulong lang nito kay Maine pero rinig na rinig ko pa rin. Tila may magneto na humila sa aming kaniya-kaniyang mga mata. Agad na iniwas ni Maine ang mga mata niya sa akin. Tuluyan na akong pumasok sa kotse, habang nagmamaneho pauwi ay nanatiling nakatatak sa isip ko ang huling sinabi ng Papa ni Maine. Nagbibigay na ng sari-saring conclusion ang narinig ko sa papa ni Maine pati ang mga tinging ipinukol rin ng nobya ko. May dapat ba akong malaman? Ano ba ang totoo? Mga katanungang nagsisilambayan sa naguguluhan ko nang utak. Kaya ko bang tanggapin ang katotohan kay Maine kung sakaling malaman ko iyon. Hindi ko malalaman ang magiging resulta hangga't hindi ko ito nalalaman. Isang malaking desisyon ang gagawin ko. Hihintayin ko ang araw na handa ng magsabi ito, hindi ko ito pipilitin. Hindi ako magtatanong sa Kuya Greg ko, sa totoo natatakot ako sa anuman isasagot nito. Kaya hahayaan ko si Maine mismo ang magsabi sa akin ng nakaraan niya. Ano man ang mangyari ay pakikinggan ko siya oras na handa na niyang ibahagi sa akin ang nakaraan niya. Mahal na mahal ko 'to kaya uunawain ko siya, kahit na ang kalalabasan niyon at kahit magmukha akong tanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD