HABANG palapit ako sa kinaroronan ng kapatid ko at ni Maine ay kitang-kita ko ang masayang ngiti ng kapatid ko, maski si Maine ay paris rin ni Alden.
Ngunit hindi pa rin lubos ang paniniwala ko na totoo ang mga ipinapakita ni Maine sa kapatid ko.
And I am one hundred percent sure na pagganti lang ang habol ni Maine. Kung bakit dumidikit ito kay Alden, hindi ko siya bibiglaing iatras ang plano niya. Ngunit titiyakin kong siya ang mismo ang titigil sa mga binabalak niya.
Kumuha ako ng maiinom at saka tumabi sa mga ito, tila napaso pa si Maine ng sadyain kong idikit ang braso ko sa nakahantad niyang braso.
Kasalukuyan naman may kausap si Alden, kaya nagkaroon ako ng chance para makapag-umpisa nang usapan kay Maine.
"Kailan pa kayo ni Alden, Maine." ang wala sa loob kong sabi habang nanatiling nakatingin sa pool.
"Pakialam mo at wala ka nang paki! Kung kailan naging kami huh! Greg," mataray na pabulong niyang sagot habang patuloy siyang sumisimsim sa hawak niyang punch drink.
Dahan-dahan ko siyang tinapunan ng tingin at isang ngisi ang pumunit sa halos perpekto kong labi.
Mula sa sulok ng mga mata ko ay napansin ko ang pasimpleng pakikinig ni Alden, kahit nakikipag-usap ito ay alam kong palihim siyang nakikinig sa usapan namin.
"May pakialam ako Maine dahil kapatid ako ni Alden, bhabe." ang nakangisi kong sabi rito, agad ang pagdako ng sulyap ni Maine sa akin.
Dati kapag tinatawag ko itong bhabe ay tila matutunaw ito sa kilig. Pero ngayon tila iyon na yata ang pinakasusuklam niyang salita.
Agad siyang napatayo at nagwikang. "Owh come on Greg, cut off the none sense words from the past, dahil matagal ng wala iyong dati," malamig niyang tugon, kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
Bigla linukuban ng lungkot ang damdamin ko, lalo na naxg hawakan ni Alden ang mga kamay niya at inaya siyang maligo.
Nandirito pa rin pala sa loob ko ang pinaghalong pait ng nakaraan, gusto ko tuloy magsisi kong tamang iniwan ko siya at ipinagpalit sa nakaatang na obligasyon sa akin noon.
Kung sana mas naging matapang ako noon..
'Di sana ay kapiling ko pa siya, ang unang babaing pinag-ukulan ko ng malalim na pagmamahal.
NAKABIHIS na ako pati sina Charlott at Angel ay ganoon din, si Cuzhniel na ang maghahatid kina Angel at Charlott habang si Clem eh makikisabay kina Soujhiro at Bridgette.
Nakita ko pa ang pulang kotse ni Bridgette, bagong-bago pa iyon natitiyak ko. Iba talaga kapag ipinanganak ka ng mayaman, tuloy nagkaroon ako ng kaunting inggit kay Bridgette.
Iniiwas ko nalang ang pansin dito ng maramdaman ko ang pag-akbay ni Alden at agad akong igiya sa kotse nito, bago niya pinaandar ang sasakyan ay nakita ko pang lumapit si Greg.
Isa pa ito eh, panira ng mood ko.
"Umuwi ka agad Alden kasi maagang dadating sina Mommy at Daddy."
Napatango lamang ito at hindi na sinagot ang nakatatandang kapatid tila magkagalit ang mga ito, nagkibit ako ng balikat at agad nang sumakay sa binuksang pintuan ni Alden.
Napalingon ako nang magsalita pa si Greg.
"I hope you enjoy the party Maine, ti'll we see each other again."
Agad na akong pumasok sa kotse ni Alden na laman pa rin ng isip ko ang huling sinabi ni Greg sa akin. Hindi ko na tuloy napuna ang lungkot na lumukob sa mukha ni Alden.