ISANG kaway ng pamamaalam ang ginawa ko, tumango si Greg at agad na niyang pinaharurot ang kotse nito. Sabay-sabay na kaming pumasok nina Papa at Mama sa loob ng bahay. Pinagtitinginan nila ako, tila hinihintay nilang magkwento ako. Hindi yata nakatiis ang Papa kaya siya na ang nangunang nagtanong sa akin. "Anak, Maine bakit mo pala kasama si Greg?" "Nakipagkita ako Papa," maiksi kong sagot dito. Nabahiran naman agad ng kalituhan ang mukha niya, ang balak niyang pagsasalita ay naudlot ng agad akong sumabat. "Papa klinaro ko lamang ang lahat, humingi lamang ako ng closure. Para okay na ang lahat, no hurt feelings like that. Saka. . ."agad akong kumuha ng baso sa lagayan at linagyan ng malamig na tubig. "Saka ano?" Patuloy na usisa ni Papa. Kasabay ng pagbaling ko sa kaniya ay ang p

