CHAPTER TWENTY EIGHT

1256 Words

NASA loob ako ngayon ng aking kotse, katatapos lamang namin mag-usap ni Maine sa tawag.  Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko, binabalewala ako ni Maine.  Nanatiling nakatutok sa labas ng kotse ang pansin ko, hinayaan kong ipahinga saglit ang isip ko.  Ayaw ko itong gawin kay Maine, sapagkat may tiwala naman ako dito. Pero bakit pakiramdam ko may mali, mariin akong napapikit. Inihilamos ko ang dalawa kong palad sa mukha ko. Agad kong inistart ang engine ng kotse ko. Nag-umpisang umandar ang aking kotse, maski utak ko mabilis na gumana. Ilang minuto ang naging biyahe ko, nang makarating ako sa Ocean Park. Mabilis kong ipinarada sa tabi ang gamit kong kotse, agad akong umibis sa aking kotse. Binati ako ng security guard na nakaassign doon,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD