KITANG-KITA ko kung gaano kasakit ang nangyayari ngayon kay Maine, mas masakit pala iyong makikita kong nagkakaganito ito. Lalo ng mawala ang anak namin na si Draimler, lubos akong nagsisi kung bakit hinayaan kong hindi sila piliin. Mas pinili ko ang matakot sa kadahilanan wala na akong silbi bilang asawa ni Maine. Ngunit hindi ko naisip na marami ang magagawa ko bilang ama sa anak namin na si Draimler. Ang tanga-tanga ko sobra! "I-I'm sorry Maine, naduwag akong bumalik sa iyo. . ." puno ng pagsisising saad ko rito. Tuloy-tuloy siyang napaluha, habang tumatango. Mariin niya lamang hinawakan ang palad na nakadantay sa aking hita. "Naiintindihan naman kita eh, Alden. Mahal na mahal kita, alam ko may dahilan kung bakit mas pinili mong lumayo sa amin," puno ng pagmamahal na sabi niya. Bi

