Kabanata 27 PAREHONG abala si Greyson at Kenna sa paghahanda ng kanilang kasal para sa darating na anibersaryo. Dahil doon ay naging usap-usapan ‘yon sa buong opisina. Kahit kay Jayce ay nakarating ‘yon at kagaya ng inaasahan niya ay wala itong imik. Alam ni Kenna na hindi ito sang-ayon sa kasunduan ng dati niyang asawa pero ano ba naman ang magagawa nito kung pumayag na siya noong una pa lang? Ang sa kanya lang naman kasi ay kaya lang naman siya pumayag ay ayaw niyang mapahamak ang lol ani Greyson sa oras na malaman nito ang totoo. Kamakailan lang ay inatake ito sa puso at kabilin-bilinan ng doctor ay hindi siya pupwede ma-stress dahil ikakasama lalo iyon ng kanyang kundisyon. Ngayon ay naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang pakiusap ni Greyson sa kanya na bigyan siya ng

