Kabanata 26 "Para kayong nasa kdrama," wika ni Royce na natatawa. UMIRAP si Greyson sa sinabi ng kaibigan. Matapos niyang ikuwento ang nangyari kanina sa office ay isang tawa lang ang isinagot nito sa kanya. Wala si Gideon at Paxton dahil may inaasikaso ito ngayon sa trabaho kaya si Royce lamang ang tanging nayaya ni Greyson na uminom. Nasa condo siya ngayon ng lalaki pagkatapos ng eksena sa opisina kanina. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya pagkatapos ng mga nangyari sa kanya. He's worried about Kenna. Hindi ito umuwi sa bahay nila matapos ang huling pag-uusap nilang dalawa. He's trying to contact her dahil alas-otso na ng gabi ay wala pa ito sa bahay pero kanina pa ito umalis ng opisina. Baka kung ano na ang nangyari roon kaya kinontak niya ang lahat ng pupwede makontak para lang m

