Kabanata 34 TULALA si Kenna pagkatapos ng matamis na halik na iginawad sa kanya ni Greyson. Hindi siya umiimik simula noong mangyari ‘yon. Panay ngiti lang ang ginagawa niya sa mga guests na bumabati sa kanilang dalawa ni Greyson. Hindi niya inaasahan na hahalikan siya ng totoo ni Greyson. Kumakabog pa rin ang dibdib niya hanggang ngayon. She didn’t like the kiss. Sino ba namang gugustuhin na halikan ka ng dati mong asawa in your pretend wedding? Hindi ba ay parang lumalabas na kinuha nito ang pagkakataon na mayroon para mahalikan siya? Kung tutuusin ay wala itong karapatan na gawin ang bagay na ‘yon. Dapat ay hindi totoo ang kiss na ‘yon pero hinalikan pa rin siya nito na labag sa kalooban niya. Her friends saw that too! Alam niyang kahit sila ay nagulat dahil alam nilang hindi dapa

