Kabanata 35 HINDI MALAMAN ni Kenna kung anong gagawin niya. Kulang na lang ay mabaliw siya. Kung una ay kasal, ngayon naman ay honeymoon. Talaga atang pinaglalaruan siya ng tadhana dahil sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Greyson. Idagdag pa na wala atang pakialam ang lalaking ‘yon sa gusto mangyari ng kanyang lola. She has to do something pero sarado na lahat ng ideyang pwede niya gawin. Bakit naman siya hindi papayag sa honeymoon na regalo sa kanila ng lola ng kanyang asawa samantalang kakasal lang nila? At isa pa, sa tingin ng mga tao ay deserve talaga nila ‘yon. In fact, they want a baby! Kinakausap ni Greyson ngayon ang kanyang lola. He was making some excuses pero mukhang hindi magpapatinag ang matanda kaya iyon ang pinoproblema niya. Kung siya lang ang masusunod ay mas gu

