Kabanata 36 BADTRIP si Greyson. Akala niya ay masosolo niya si Kenna. Pagkakataon niya n asana para maipakita sa asawa kung gaano ito kasincere sa kanya pero may asungot na naman sa kalagitnaan ng kanilang honeymoon. Hindi naman niya tini-take advantage ang sitwasyon. Gusto niya lang mapatunayan kay Kenna na nagbago na siya. At magagawa niya lang ‘yon kung silang dalawa lang ang magkasama sa iisang lugar. In fact, siya ang may pakana ng honeymoon na ‘yon. Sinabihan niya ang kanyang lol ana kung pwede ay magkunwari na ang ticket na ‘yon ay regalo nito sa kanilang dalawa. Alam niya kasing hindi tatanggapin ni Kenna ‘yon kung nalaman nitong binili niya ang ticket na ‘yon para sa kanya. Pumayag naman ang kanyang lola sa gusto nito dahil nga nakakaramdam ito na may hindi pagkakaunawaan sila

