Kabanata 37 NAPAKURAP si Kenna sa mga huling narinig niya mula sa bibig ni Greyson. Hindi niya akalaing maririnig niya ang mga salitang minsan nagpaniwala sa kanya na totoong mahal siya nito. Nakaramdam siya ng pinaghalong kirot at saya sa kanyang dibdib nang marinig ang mga salitang ‘yon. Kirot dahil muli na naman niyang naalala lahat ng mga masasakit na alaalang pinagdaanan niya sa pagsasama nilang dalawa na hindi na niya gugustuhing maranasan pa. Kirot dahil alam niyang isang kasinungalingan na naman ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. At saya dahil kahit na alam niyang kasinungalingan ‘yon ay natuwa pa rin ang kanyang puso sa narinig. At the back of her mind, she’s wishing that what he said is true pero hindi naman sila aabot sa hiwalayan kung ang mga huling sinabi niya ay to

