Kabanata 38 PADABOG na umalis si Kenna paalis ng bangka. Pagkababa niya ay nagmamadali itong bumalik sa hotel kung kaya’t hinabol siya ni Greyson. Hinawakan siya ng lalaki sa kanyang palupulsuhan at hinarap sa kanya. “Kenna, anong problema? I thought we’re okay?” mahinahon nitong wika. Kahit si Greyson ay hindi na alam kung ano ang gagawin niya para maging maayos silang dalawa ni Kenna. He was doing everything he could do to make his efforts valid pero tila balewala lahat na naman ‘yon kay Kenna. Nakikita niya naman itong masaya pero bakit parang pinipigilan nito ang sarili na maging masaya. “We’re not okay, Greyson. You better know that than anyone else,” malamig niyang saad dito. “Kenna, ano bang problema?” “Problema? Ikaw ang problema, Greyson!” sigaw niya rito. Nagsisimula na

