Kabanata 29 “Kailan pa natutong bumanat ang lalaking ‘yon?’ tanong ni Kenna sa kanyang isipan. KASALUKUYANG nasa sasakyan na silang dalawa ni Greyson. Kakatapos lang nila kumain ng lunch at eto siya ngayon, parang pipe at nawalan na ng dila dahil sa mga banat ng lalaki sa kanya kanina roon sa restaurant. If she was still the old Kenna, malamang ay kinilig na siya sa mga sinabi nito. But clearly, she’s not the old Kenna anymore who would believe in any antics he will do. Hindi na siya iyong dating Kenna na marupok. Pero bakit tila ata parang naniwala ang puso niya sa mga sinabi nito na siyang taliwas sa kanyang utak? Seriously? Nakuha pa nitong maniwala at tumibok ng malakas matapos nitong madurog at masaktan noon? Malinaw na hindi nasa maayos na estado ang kanyang puso ngayon para

