Kabanata 30 ISABELLE. Iyon na ata ang salitang sa tuwing maririnig ni Kenna ay awtomatiko na siyang maiinis. Lalo na ngayon na nagkita sila rito sa hotel. Hindi niya alam kung pagkakataon lang ba ‘yon o talagang sinundan sila nito hanggang dito. Gusto niya maniwala sa lalaki na wala na silang komunikasyon pero ngayong nandito ang babaeng ito ay pakiramdam niya ay hindi totoo ang mga sinabi nito sa kanya kanina. Nagulat nga rin siya sa kanyang sarili dahil pagkatapos ng mga nangyari sa kanila noon ay nakukuha pa rin niyang maniwala sa mga sinabi nito. Maybe because she could definitely feel the sincerity on his voice, that he’s telling the truth this time. Iyon nga lang ay dumating itong si Isabelle sa hindi magandang pagkakataon. “Isabelle, what are you doing here?” seryosong tanong

