Kabanata 31 “Still awake?” tanong ni Greyson kay Kenna pagkapasok nito sa kanilang master’s suit. NAABUTAN ni Greyson si Kenna na gising pa dahil nakita niya itong biglang nagtalukbong ng kumot pagkapasok niya. Napailing na lamang siya dahil doon. Hindi naman niya kinakailangan na magkunwari na tulog kaagad dahil alam niyang hindi naman ito makakatulog ng madalian. He knew that Kenna has a sleeping disorder. Hindi ito madaling makatulog sa mga lugar na bago niya lang napuntahan o kaya naman ay kapag nakakaramdam siya ng matinding kaba sa kanyang dibdib kaya nahihirapan siyang matulog. Bigla tuloy napaisip si Greyson kung alin doon sa mga binanggit niya ang dahilan ng hindi niya pagkatulog. “Kenna, I know you’re awake,” mahinang sabi nito sa babae. Unti-unting kumalas si Kenna mu

