Chapter 7: Siir

1596 Words
Mabilis kong sinundan ang katawan ko kung saan si Alada ang nasa loob non, napatigil ako sa pag takbo ng makita ko sa harap ko si Pavel na kaharap ang katawan ko. "Pavel." Sabay naming tawag ni Alada sa kanya, tumulo ang luha ko ng makita ko ang ngiti sa labi ni Pavel bago niya yakapin ang katawan ko.  "Karma." Bulong ni Pavel habang yakap yakap ang katawan kong kinokontrol ni Alada. "Pavel.... Pavel hindi ako yan." Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa dalawa na mag kayakap. Pilit kong inilalayo si Pavel sa katawan ko ngunit wala itong silbe dahil tumatagos lamang ako. Lalong tumulo ang luha ko ng sunggaban ng halik ni Pavel ang katawan ko. "Pavel..." Nang hihinang tawag ko habang nakatingin sa kanila. "Pavel hindi ako yan...." Bulong ko at napa upo sa gitna nilang dalawa. Pinag masdan ko kung paano halikan ni Pavel ang katawan ko, kung paano yakapin ni Pavel ang katawan ko sa pag aakalang ako ang nasa loob noon. Naikuyom ko ang aking palad ng makita ko ang ngisi ni Alada. Talagang iniinis niya ako. Tumayo ako saka buong lakas na tinulak si Alada palabas ng katawan ko ngunit walang nangyare, tumagos lamang ako. "Sabi ko na nga ba babalik ka sa akin." Naka ngiting sabi ni Pavel kaya napa tingin ako sakanya. Ano bang kayang gawin ng isang demonyong gaya ko sa sitwasyon na ito? Mas malakas at makapang yarihan sa akin si Alada, talo ako pag pumalag ako. "Pavel.."Muling bulong ko habang nakatingin sa kanya. "Namiss mo ba ako, Pavel?"Naka ngiting tanong ni Alada. Ngumiti si Pavel sa kanya at tumango tango. Umiling ako na para bang may nakaka kita sa akin kahit wala. "Sa wakas, nakita ko na din at nakasama ang pang huling Karma."Sabi ni Pavel habang naka tingin kay Alada. "Pavel hindi ako yan, si Alada yan." Umiiyak na sabi ko at pilit na inaalis ang kamay ni Pavel sa kamay ni Alada, ngunit gaya ng una ay tumatagos lamang ako sa kanila. "Pavel." sabay sabay kaming napatingin sa tumawag kay Pavel. Napatingin ang hari at reyna sa katawan kong kontrolado ni Alada, dumapo ang tingin nila sa kamay nila Pavel at Alada saka muling binalik ang tingin kay Pavel. "Gising na siya, Ama, ina. Gising na ang babaeng gusto ko." Sabi ni Pavel dahilan para masaktan ako.  "Pavel hindi nga kasi sabi ako yan!" Sigaw ko kahit na walang nakaka kita sa akin.  "Ina, Ama. Si Karma nga pala, Ang babaeng lagi kong hinihintay at hinahanap." Naka ngiting sabi ni Pavel. Hindi naka sagot ang hari at reyna, nanatili ang tingin nila kay Alada. "Nasaan na po si Pavel?" Sabay sabay kaming napatingin sa pinang galingan ng boses. Mula sa likod ng hari at reyna ay lumabas ang isang babaeng maputi, mahaba ang itim na buhok at naka suot ng damit na pang maharlika. Unti unting umaliwalas ang mukha ng babaeng iyon ng makita si Pavel. "Pavel!" Masayang tawag ng babaeng iyon at tumakbo palapit kay Pavel saka ito niyakap. Ramdam ko ang saya ng babaeng yumakap kay Pavel. "Siir, anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ni Pavel, kumalas sa yakap ang Siir na tinawag ni Pavel saka ngumiti sa kanya. "Narito ako dahil pinatawag ako ng iyong ama at ina." Sabi nito saka tumingin kay Alada, naap tingin ako kay Alada na naka taas ang kilay habang matalim na nakatingin sa babaeng nag ngangalang Siir. "Sino siya Pavel?" Tanong ni Siir habang naka tingin kay Alada. Tumingin si Pavel kay Alada saka binalik ang tingin kay Siir. "Sya si--" "Ako si Karma, kasintahan ni Pavel." Pakilala ni  Alada kaya napa tingin ako sa kanya, kita ko ang ngisi sa labi niya habang naka tingin kay Siir, pasimple din itong tumingin sa akin, halatang nang aasar na naman siya. "Ganon ba? Ako si Siir." Naka ngiting sabi ni Siir kay Alada. "Ang mapapangasawa ni Pavel." Sabay kami ni Alada na napatingin kay Siir dahil sa sinabi niya, hindi siya nag sisinungaling, hindi ko maamoy ang pag sisinungaling sa salitang sinabi nya.  "Ano?" Biglang tanong ni Pavel kaya napa tingin kami sa kanya, halatang nagulat din siya sa sinabi ni Siir. Naka kunot ang kanyang nuo at hindi makapaniwalang napa tingin sa kanyang ama at ina. "Mm, sinabi sakin ng aking ama at ina na pinag kasundo daw tayo ng ating mga magulang, wag kang mag alala Pavel, tutulungan kita mamuno sa Winsoul." Naka ngiting sabi ni Siir, Agad na dumaloy ang galit sa aking dibdib. Halatang hindi ko kakampi ang isang ito. Peke ang mga ngiti na pinapakita niya ngunit tunay ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig, ang nakaka panlinglang lamang sa kanya ay ang ngiti niya. Hindi ko mawari kung masaya ba talaga siya o pakitang tao lamang.  Napatingin  ako kay Alada na naka kunot ang nuo at gaya ko ay halatang ayaw niya din kay Siir.  Kung isang problema si Siir, papahintulutan ko si Alada na gamitin ang aking katawan hanggang sa mawala si Siir. Sakto ang pag dating ng babaeng ito. Napa ngisi ako, sakto sa pag ngisi ko ang pag tingin ni Alada sa akin. "Pangatawanan mo ang pagiging Karma, Alada." Sabi ko, sumama ang tingin sa akin ni Alada saka tumingin kay Siir na may ngiti paren sa labi. "Ama, Ina. Napag usapan na natin ang bagay na ito hindi ba?" Singit ni Pavel kaya napatingin kami sa kanya. "Makinig ka samen Pavel, alam namin ang makakabuti sayo." Sabi ng ina niya. Nakita ko kung paano hawakan ni Pavel ang katawan ko dahilan para kumirot ang puso ko. "Ang babaeng nasa tabi ko ngayun ang nais kong pakasalan, hindi ang kababata ko." Sabi ni Pavel. Nakita ko ang mapanlinlang na ngisi ni Alada sa akin kaya napa irap ako. "Ngunit wala siyang maitutulong sayo Pavel." Sabat naman ni Siir kaya ako naman ang napa ngisi habang naka tingin kay Alada. "Isa lamang siyang mababang uri ng tao sa palasyo, ano na lamang ang sasabihin ng mga tao na iyong nasasakupan kung isang yuniko ang iyong mapapangasawa?"dagdag ni Siir. Tumalim ang tingin ni Pavel at Alada kay Siir. "Wala kang karapatan para sabihin yan kay Karma." Madiin na sabi ni Pavel. "Meron akong karapatan Pavel, dahil walang batas ang nag papabawal na sabihin lahat ng nais kong sabihin." Naka ngiti at nang aasar na sabi ni Siir. Laking pasalamat ko na lamang dahil hindi ako ang nasa katawan ko ngayun, kung kanina ay labis akong nababahala dahil nakay Alada ang katawan ko, ngayun labis akong natutuwa dahil hindi ako ang mangungunsume para kay Siir. Napatingin ako kay Alada na masama ang tingin kay Siir,halatang inis na inis na ito dahil sa kanya, ayaw ni Alada ang nasasapawan o may mas nakaka lamang sa kanya, kaya ganon na lamang ang inis niya ng dumating si Siir, bagay na kinatutuwa ko. "At sa tingin mo ba papakasalan ka ni Pavel?" Tanong ni Alada at ngumisi. "Ako ang mahal ni Pavel, saakin siya nangako na ikakasal at hindi sayo." Sabi nito. "Ang pangako ay mananatili lamang pangako yuniko. Lahat yun ay pwedeng mapako. Sayo nga nangako si Pavel ang tanong matutuloy ba?" Tanong ni Siir kay Alada kaya natawa ako. "Tama na, si Karma ang papakasalan ko at hindi ikaw Siir." Sabi ni Pavel kaya nawala ang ngiti sa aking labi. Natawa ng malakas si Siir saka hinampas ng pabiro ang braso ni Pavel. "Kahit kailan ay mapag biro ka talaga." Natatawang sabi ni Siir kay Pavel saka ngumiti at pinag cross ang kanyang braso. "Sige, pakasalan mo siya. Sa huli sa akin paren ang bagsak mo Pavel." Sabi ni Siir habang naka ngiti. "Sya nga pala, sa paanong paraan mo ba nais makitang mamatay ang babaeng nasa tabi mo Pavel?" Tanong ni Siir kaya napatingin ako dito. "Sigurado naman ako na nabanggit sayo ng iyong mga magulang ang kanilang gagawin sa oras na siya ang pinili mo kesa sa akin at sa palasyo?" Tanong ni Siir habang may mapag larong boses. Nakita ko ang pag yukom ng kamao ni Pavel at naamoy ko ang inis na dumadaloy sa kanyang katawan ngayun. "Gugustuhin mo ba na maging isang bangkay ang minamahal mong babae kinabukasan pag katapos ng inyong kasal?" Tanong ni Siir at tumingin kay Alada. Ngumisi si Alada. "Ikaw, nais mo bang masunog ang kaluluwa mo sa pinaka ilalim na bahagi ng impyerno?" Tanong ni Alada kaya natawa ako. "HAHAHAAHAHA, yuniko naman, matagal na akong sinusunog doon. Ikaw ba? gaano ka na katagal sa katawan na yan?" Natigilan ako pati na din si Alada dahil sa sinabi ni Siir. Sabay kaming napatingin sa kanya na para bang may nagawa siyang mali. Anong ibig niyang sabihin sa bagay na iyon? "Tama na ang usapan na ito, wala na itong patutunguhan." Singit ni Pavel saka tumingin sa kanyang mga magulang. "Tutungo ako sa inyong silid mamaya upang kausapin kayo." Napatingin ako sa kamay ni Pavel na humawak sa kamay ng aking katawan. "Sa ngayun ay gusto ko munang makasama si Karma." Pag kasabi nya non ay tumalikod na siya habang hawak ang kamay ng aking katawan. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa muling mabaling ang tingin ko kay Siir na ngayun ay may nakakatakot ng awra at ngisi habang nakatingin sa dalawa na papalayo. "Kailangan mo sigurong mabawi ang katawan mo." Sabi niya habang hindi inaalis ang tingin sa dalawa. Kumunot ang nuo ko at napatitig sa kanya. "Para naman patas ang laban, hindi ba Karma?" Nanlaki ang mata ko at nanigas sa aking kinatatayuan ng bigla siyang tumingin sa akin. Siir, sino ka ba talaga at bakit mo ako nakikita?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD