bc

Plunging The Abyss of Shadow

book_age16+
54
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
reincarnation/transmigration
fated
powerful
drama
tragedy
secrets
special ability
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Nakabalik na sa Winsoul sila Pavel at ang mga kaibigan niya kasama sila Ksara, Abiah at ang taong pinapahanap sa kanya, ang pinakamatandang punongministro. Nawala narin ang sumpa na binitawan ni Alada dahil sa ginawa ni Ksara na pagalay ng kalahating buhay niya. Sa pagbalik nila sa Winsoul agad silang nagtungo sa bahay ni Abiah kung saan naruruon ang mga magulang niya na matagal niya ng hindi nakikita, ngunit sa kanyang pagdating, ang kanyang mga magulang ay hindi sya maalala, dahil ito sa epekto ng sumpa na ginawa ni Alada. Dahil sa awang naramdaman ni Ksara kay Abiah, palihim niyang ginamit ang kanyang kapangyarihan upang ibalik ang ala-ala ng mga magulang ni Abiah na naging dahilan upang muling mabawasan ang kanyang buhay at mawalan siya ng malay. Sa kanyang pagmulat ng mata, isang hindi pamilyar na lugar ang kanyang nakita.

Dinala siya ng kanyang mga ala-ala sa panahon kung saan sya ay isa pa lamang ganap na tao, mula sa pagbenta sa kanya ng kanyang ama sa mga demonyo hanggang sa pagbigkas ni Alada ng sumpa. Doon nya napagtanto na hindi lamang isang sumpa ang binitawan ni Alada, kundi dalawa. At isa na doon ang paulit-ulit niyang kamatayan sa harap ni Pavel na isa ng immortal, napagtanto rin ni Ksara na sya si Karma ang kasintahan ni Pavel at naging dahilan kung bakit ibenenta ni Pavel ang kanyang sarili sa demonyong si Alada. Nang malaman at mabalikan ito lahat ni Ksara, lahat ng kanyang ala-ala ay bumalik, mula sa una niyang pagkamatay hanggang sa huli niyang pagkamatay. At doon napagtanto nya na si Ksara ang gamit niyang pangalan ay ang huling Karma na makikita ni Pavel na mamamatay.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Pagbabalik
"Inay! Itay! Nandito na po ako!" Nakangiting salubong ni babaeng banal sa dalawang tao na nakaupo sa loob ng isang ordinaryong bahay dito sa bayan ng winsoul. Nakaupo ang isang matandang babae sa isang rocking chair at ang matandang lalaki naman ay sa isang plastik na upuan habang may hawak na dyaryo.  Napatingin ang dalawa kay Babaeng banal, agad namang lumapit si babaeng banal sa dalawa at niyakap ito. "Inay, Itay, sorry po kung umalis ako. Natakot po lamang ako na baka mawala ang ala-ala ko tungkol sa inyo noong araw na iyon." Umiiyak sa tuwang sabi ni babaeng banal. Nakatitig lamang kaming lima dito at nanunuod sa nangyayare kay babaeng banal. May ngiti sa labi sila Bael at Pavel habang nanunuod kay babaeng banal. "Inay, Itay. Pangako po, hindi na ako aalis at hindi ko na po kayo iiwan. Sobrang nagsisi po ako na umalis ako noon," sabi nito habang nakayakap sa dalawa. Kumalas sa yakap si babaeng banal at pinunasan ang luha niya. "Sya nga po pala inay, itay. Sila nga po pala ang mga kaibigan ko. Sila Ksara, Lolo Gabriel, Bael, Cynrad ay Prinsepe Pavel." Pakilala sa amin ni babaeng banal. Nakatitig lamang ako sa dalawa saka muling binalik ang tingin kay babaeng banal. "Inay? ‘Tay? Wala po ba kayong--" "Saglit lamang, iha," maamong sabi ng matandang babae. "Paumahin, ngunit. Hindi ko maintindihan at hindi namin maunawaan kung bakit tinatawag mo kaming inay at itay? Sino ka  ba iha?" Tanong ng babaeng matanda dahilan para mawala ang ngiti sa labi nila Pavel, Bael at babaeng banal. Dahan dahang napatingin si babaeng banal sa dalawa. Napapikit ako at napayuko. Mukhang nakalimutan niya ata, na lumipas ang ilang taon na nasa loob ng winsoul ang magulang niya at ilang ulit na inabutan ng bagong taon noon, awtomatikong mawawala ang ala-ala nila tungkol sa kanya. Hindi ko kayang ibalik ang mga nawalang ala-ala. Isa akong tagasira at hindi tagabuo. Masyadong malakas na kapangyarihan ang kakailanganin upang bumalik ang mga nawalang ala-ala ng mga taong naririto sa bayan. "A-ano?"Nanginginig ang boses ni babaeng banal nang tanungin niya iyan. "Nawawala ka ba iha? maaari ka naman naming patuluyin dito sa aming bahay." Nakangiting sabi ng matandang lalaki saka tumingin kay Pavel. "Kamahalan, isang malaking bagay at kinagagalak namin ng aking asawa na makita ka ng ganito kalapit." Nakangiting sabi ng matandang lalaki kay Pavel, napatingin ako kay babaeng banal na biglang napa-upo sa harap ng mag-asawa, bigla siyang humagulgol ng malakas na parang isang batang naagawan ng pagkain. "U-umuwi ako dito para sa inyo, u-umuwi ako dito para makasama kayo, ‘Nay, ‘ tay ako 'to si Abiah, ang anak niyo," sabi ni babaeng banal, agad namang lumapit ang matandang babae kay babaeng banal saka ito pinatayo pero niyakap lamang siya ni babaeng banal.  "Pasensya na iha, ngunit sa pagkakaalam namin ay wala kaming anak. Hindi kami nabiyayaan ng supling," sabi ng matandang lalaki. "Iwan muna natin sila." Bulong ni Cynrad sa akin, tumingin ako sa kanya saka tumango. "Pavel." tawag ko, tumingin  siya sa akin."Iwan muna natin sila," sabi ko, tumingin siya sa tatlo na naguusap. Tumango siya saka nagpaalam na aalis muna kami, lumayo kami sa bahay ni Babaeng banal dahil sa tingin namin ay maguusap sila at pribado na iyon. Natatanaw ko na ang tuktok ng palasyo habang naririto kami sa bayan ng winsoul. Tumigil muna kami sa isang maliit na kainan upang tumambay at hintayin si Babaeng banal. Tahimik lamang kaming lima, walang nagsasalita sa aming lima na parang napipi kami sa mga nakita namin. Madaming mga tao ang tumitigil para batiin si Pavel at kamustahin kaya halos si Pavel lamang ang nagsasalita.  "Bakit hindi nila maalala si Abiah?" Tulalang tanong ni Bael, pinag-cross ko ang aking braso saka sumandal sa aking upuan.  "Epekto ng sumpa," sagot ni tanda. "Siguro ay nawala nga ang sumpa, pero hindi ibig sabihin n’on ay mawawala din o babalik ang mga nawalang ala-ala," sabi ni tanda. Tumingin si Pavel kay tanda. "Ang hirap naman ng sitwasyon ni Abiah, masakit na hindi siya maalala ng kanyang magulang," sabi ni Pavel, biglang tumingin si Cynrad sa kanya. "Tutuloy na ba tayo sa palasyo?" tanong ni Cynrad. Tumingin si Pavel sa kanya. "Mm, hihintayin muna natin si Abiah," sabi ni Pavel. "Mas makakabuti kung mauuna na tayo," sabi ko kaya napatingin si Pavel sa akin. "Bigyan natin ng oras at araw si Abiah na kasama ang kanyang magulang, kailangan nyang mag adjust lalo na sa sitwasyon niya,"sabi ko. "Tama si Ksara, hayaan muna natin siya sa magulang niya at saka natin siya kunin kung ayos na ang sitwasyon niya, kailangan nating bigyan ng panahon si Abiah," sabi ni Cynrad. Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Bael. "Excited pa naman siyang magpunta sa palasyo kasama ang magulang niya," sabi ni Bael saka tumingin sa amin. "Tara na, magpunta na tayo sa palasyo ng matapos na ito," sabi ni Bael at tumayo na sa kanyang kinauupuan, sumunod rin kaming tumayo saka kami sabay sabay na lumabas sa kainan na pinagtambayan namin. Nagsimula kaming mag lakad papunta sa malaking gate ng palasyo, napatingin ako kay Pavel na tahimik lamang ngayon. Bigla akong tumigil sa paglalakad at pinanuod silang maglakad papunta sa gate ng palasyo, nakita ko pa ang pagbibigay pugay ng mga kawal ng makita si Pavel. Narinig ko ang malakas na tunog ng trupeta, simbolo na nakapasok na ang prinsepe sa gate. Pinanuod ko ang pagsarado ng gate ng palasyo pero bago pa ito tuluyang magsarado ay nakita ko pa ang paglingon ni Pavel dito sa labas ng palasyo, nagtama ang paningin namin kaya napangisi ako. "Ksara--"huli na bago matapos ni Pavel ang kanyang sasabihin. Tuluyan ng nagsarado ang gate ng palasyo. Tumalikod ako at naglakad patungo sa bahay ni babaeng banal. Nang makarating ako ay sumilip muna ako sa pinto at pinagmasdan ang kilos nilang tatlo. Ngayon ay magkakatabi sila at naguusap. Mukhang kinukwento ni babaeng banal ang mga pinagdaanan niya noong umalis siya sa winsoul. Nakita ko pa ang pagtulo ng luha ni babaeng banal habang pilit na ngumingiti sa harap ng magulang niya. Nararamdaman at naamoy ko ang sakit na nararamdaman ni babaeng banal. Dahan-dahang umukit ang ngiti sa aking labi dahil sa mga ala-alang bumalik sa aking isipan. "Kaibigan narin kita Ksara!" "Ksara! saan ka ba nagpunta?! nagalala kami sayo!" "Ksara kakain na tayo!" "Sya po si Ksara, Lolo Gabriel kaibigan ko po sya." "Mabait po siya." "Alam mo, pwede ka namang magkwento sa akin kasi kaibigan mo ako." Kaibigan, niminsan hindi sumagi sa isip ko na gawin syang kaibigan pero ang turing niya sa akin ay isang tunay na kaibigan. Sya ang unang tao na nag paramdam sa akin na hindi ako iba, na kahit alam niyang isa akong demonyo ay tinatawag niya parin akong kaibigan. Kaya naman, oras na para naman ituring ko rin siyang kaibigan. Pumikit ako saka huminga ng malalim, nakikita ko ang itim na mahika na nakabalot sa katawan ng magulang niya, ang kailangan ko lang ay tanggalin ‘yon para maalala siya ng magulang nya, pero mukhang madami daming lakas ang kakailanganin ko para mangyare ‘yon.  Sinimulan ko ng isarado ang isip ko at bigyan ng focus ang dalawang anino ng matandang nasa harap ko, gamit ang kapangyarihan ko ay dahan dahan kong inalis ang itim na mahikang nakabalot sa kanilang katawan, napalunok ako ng maramdaman ko ang panghihina ng aking katawan. Agad akong napamulat ng maramdaman kong gumagalaw ang paligid pero pagmulat ko ay normal naman ang lahat. Muli akong napatingin sa tatlo na nakangiti na nagyon, muli kong pinikit ang aking mata saka muling nagfocus at sinubukang alisin ang bagay na nakabalot sa kanilang katawan. Muli ay naramdaman ko ang panghihina ng aking katawan pero hindi ko ito pinansin, sa halip ay nag patuloy lamang ako hanggang sa unti-unti na itong umaalis sa katawan ng dalawang matanda.  Mas nilakasan ko pa ang aking pwersa upang mawala nang tuluyan ang itim na iyon, hanggang sa unti-unting nawala ang itim na naka balot sa katawan nila. Dahan dahang nawala ang kapangyarihan ko. Napangiti ako at dahan-dahang nagmulat ng mata, pero sa pagmulat ng aking mata ay syang pagikot ng aking paningin. "Abiah, anak." Dinig kong tawag ng matandang babae kay Abiah, napasandal ako sa pinto nila at sinilip sila. Nakita ko kung paano nagulat ang reaksyon ni Abiah habang nakatingin sa nanay niya. "Abiah bumalik ka na."Bumuhos ang luha ng matandang lalaki at niyakap si Abiah na nagulat parin sa nangyare.  "A-ano bang nangyayare?"tanong niya pero nakita ko ang pagbuhos ng luha niya. Napapikit ako ng lumabo bigla ang paningin ko. Napahawak ako sa aking ulo saka napailing iling at pilit binabalik ang normal na paningin ko. "‘N-nay na-naalala niyo na po ba ako?" umiiyak at utal na tanong ni Abiah. "P-Paano?" Gulat na tanong ni Abiah. Bigla akong napabitaw sa pagkakahawak sa pinto nila dahilan para mapaupo ako at makalikha ng malakas na ingay. Napayuko ako at napailing saka napatingin sa tatlo na ngayon ay nakatingin sa akin. "K-ksara!" Agad na tumakbo si Abiah papalapit sa akin saka ako hinawakan sa ulo. "Dumudugo ang ilong at... mata mo," sabi niya kaya napangiti ako. "Wala ito," sabi ko kaya kumunot ang nuo niya. "Babalik na ako sa palasyo," sabi ko at pinilit ang sarili kong tumayo.  "Pinapasabi ni Pavel na sumunod ka sa--"hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng unti-unti ng dumilim ang paningin ko at nawalan ng lakas ang katawang tao ko. Napatigil ako ng maramdaman kong tumigil ang pag t***k ng puso ng katawang tao ko, napatingin ako sa kamay ko na unti-unting nagiging abo kaya kinabahan ako at natakot. Hindi, hindi pa pwede, babalik pa ako sa palasyo. Babalik pa ako kay Pavel. ‘Wag muna ngayon. Paki-usap.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook