Minulat ko ang aking mga mata, isang hindi pamilyar na kulay ng kisame ang aking unang nakita, sumunod ang nagaalalang mukha ni Cynrad.
"Karma, buti naman at nagising ka na. Ano bang ginawa mo at nawalan ka ng malay?" Nagaalalang tanong niya, hindi ako sumagot sapagkat may mali sa mga sinabi niya.
"Pinagalala mo si Cynrad, bakit ba kasi bigla-bigla ka na lamang umakyat sa hagdan na may sira?" Napatingin naman ako sa nag salita, si Pavel. Kumunot ang nuo ko, pinagalala ko si Cynrad? teka ano bang--
"Karma, wag mo na uulitin ang ginawa mo. Hindi ka dapat umaakyat sa mga sirang hagdan, buti na lamang at nakita ka ni Pavel at Bael," sabi ni Cynrad at niyakap ako, nanatili ang tingin ko kay Pavel na umiwas ng tingin. Anong nangyayare? Bakit Karma ang tawag nila sa akin? Bakit nagaalala si Cynrad? Bakit nahulog daw ako sa hagdan? Nasaan si babaeng banal? nasaan ang pamilya ni babaeng banal? ang alam ko ay nasa bahay ako nila babaeng banal at--
"Karma, naiintindihan mo ba ang sinabi ko?" Nagaalalang tanong ni Cynrad, tumingin lamang ako sa kanya saka tumingin kay Pavel na muli na namang nagiwas ng tingin.
"Tigilan mo ang ganyang pag-akto Cynrad, hindi bagay sayo," sabi ko dahilan para mapatingin sa akin ang tatlo na nanlalaki ang mga mata.
"A-ano kamo?" Gulat na tanong ni Cynrad, tumingin ako kay Pavel saka ngumiti.
"Pavel,ano bang nangyayare sa kaibigan mo?" tanong ko pero pati siya ay nagulat sa ginawa ko.
"Karma, e-epekto ba yan ng pagkabagok ng ulo mo?" Kinakabahang tanong ni Pavel, natawa ako.
"Hindi naman nabagok ang ulo ko Pavel, nasaan nga pala si babaeng banal?" tanong ko,natahimik sila habang naguguluhang tumingin sa akin.
"Karma ano bang--"
"Bakit ba Karma ang tawag niyo sa akin?" Iritang sabi ko saka natigilan ng mapagtanto ko ang nangyayare, napatingin ako sa paligid at napagtantong hindi ganito ang istilo ng mga kwarto sa palasyo, para itong old version ng kwarto sa palasyo.
Hindi kaya, bumalik ako sa dati kong buhay? Pero bakit?
"D-Dahil Karma ang pangalan mo?" tanong na sagot ni Bael sa akin kaya napatitig ako sa kanya, ngayon ko lang din napag tanto na iba ang istilo ng pananamit nila, hindi ito modernong pananamit na madalas kong makita kila Pavel. Masyadong pormal ang mga suot nila.
"Bakit ka nagaalala sa akin?" biglang tanong ko kay Cynrad. "Dapat si Pavel ang nagaalala sa akin, hindi ikaw," sabi ko kaya napasinghap si Bael, tumingin ako kay Pavel na napa-iwas ng tingin.
"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhang tanong ni Cynrad.
"Normal lang na magalala si Cynrad ng ganyan sayo Karma, nakalimutan mo bang kasintahan mo si Cynrad?" Napatingin ako sa sinabi ni Pavel, bigla siyang umiwas ng tingin. Natigilan ako sa sinabi ni Pavel.
Kasintahan ko si Cynrad? Hindi ba't sinabi sa akin ni tanda na may gusto sa akin si Pavel? Bakit sinasabi nito ngayon na si Cynrad ang kasintahan ko?
"G-ganon ba?"Mahinang tanong ko saka napatingin kay Cynrad na naguguluhan sa kinikilos ko.
"Paumanhin, siguro ay epekto lamang ito ng pagkabagok ng ulo ko," Pagsisinungaling ko saka muling tinignan si Pavel na hindi makatingin sa akin, nadadama ko at naaamoy ko ang lungkot at selos na dumadaloy sa kanyang katawan, napatingin ako kay Cynrad.
"Pwede bang iwan niyo muna kami ni Pavel? Kakausapin ko lang siya," sabi ko kaya napatingin sa akin si Pavel, ngumiti ng kaunti si Cynrad sa akin saka tumango.
"Lalabas muna kami ng kapatid ko," sabi ni Cynrad saka sinenyasan si Bael na sumunod sa kanya, naiwan kami ni Pavel na naririto sa loob ng lumang kwarto. Tumikhim siya saka umupo sa maliit na upuan na nasa harap ng aking kama saka tumingin sa akin.
"Anong paguusapan natin?" tanong niya. Tumingin ako sa kanya, sa paanong paraan ako malilinawagan sa mga nangyayare?
"May sasabihin ka ba?" tanong niya, huminga ako ng malalim sa umiling.
"Nakalimutan ko na," sabi ko, nakita ko ang pag ngiti niya sa akin, isang ngiti na may halong lungkot.
"Malapit na ang kasal niyo ni Cynrad, anong plano mo?" Napatingin ako sa kanya ng seryoso dahil sa sinabi niya.
"A-ano?" tanong ko, kumunot ang nuo niya.
"Pati rin ba yon ay nakalimutan mo?" tanong niya, dahan-dahan akong tumango.
"Pinagkasundo kayo ng iyong ama at ama ni Cynrad na ikasal sa paglubog ng araw sa susunod na kabilugan ng buwan," sabi niya, nanatili akong nakatingin sa kanya.
" Ayos na sakin yon," Mahinang sabi niya saka yumuko. "Basta alam kong nasa maayos na kamay ka masaya na ako," agad na uminit ang gilid ng aking mga mata dahil sa sinabi niya.
"A-anong nangyare sa ating dalawa?" Kinakabahan na tanong ko kaya napatingin siya sa akin, kita ko ang paglandas ng kanyang luha, agad siyang tumayo sa kinauupuan niya saka lumapit sa akin saka ako marahas na hinalikan. Agad akong napapikit at tumugon sa mapusok niyang halik, bawat pag dampi nito sa aking labi ay nararamdaman ko ang lungkot at sakit na mula sa kanyang puso.
Anong nangyare Pavel? Bakit may lungkot ka na nararamdaman?
"Ano nga bang nangyare sa ating dalawa Karma?" tanong niya habang nakadikit ang kanyang nuo sa aking nuo, nanatili akong nakapikit habang magkadikit ang aming nuo.
"Masaya naman tayo, pero bakit kailangan pang humantong sa punto na kailangan nating mag hiwalay para sa nais ng mga magulang natin?" tanong niya, damang dama ko ang sakit sa kanyang mga salita. Binuksan ko ang mata ko saka pinunasan ang luhang tumulo sa kanyang mata. Naiintindihan ko na ang mga nangyayare.
Bumalik ako sa dati kong buhay, sa panahon kung saan tapos ng pinag kasundo sila Karma at Cynrad upang magpakasal, sa panahon na nasasaktan si Pavel dahil sa naghiwalay sila ni Karma, sa panahon na malapit ng ipagkasundo si Karma sa demonyo.
Nakikita ko ang mga pangitain na ito sa tuwing nagdidikit ang balat namin ni Pavel, isa ito sa mga pangitain na nakikita ko at naririnig ko.
Bago lumubog ang araw ngayon, tatawagin ng magiging panglabing limang hari ang demonyo at kakausapin ito. Tumingin ako sa bintana at nakita na malapit nang lumubog ang araw, malapit ng maganap ang ibang pangitain na nakikita ko sa tuwing magdidikit ang balat namin ni Pavel.
Binalik ko ang tingin ko kay Pavel saka siya muling hinalikan.
"Magtanan na tayo," sabay naming sabi sa isa't isa, napatitig siya sa aking bibig kaya napangiti ako. Isa yun sa mga sinabi ni Pavel noong makita ko ito sa aking pangitain. Muli ay sinunggaban ako ng halik ni Pavel, pero sa mga oras na ito, isang halik na malambot at romantiko, walang halong lungkot, purong pag mamahal lamang.
Tinulungan ako ni Pavel na tumayo, sabay kaming lumabas sa kwarto kung saan ako nagising. Dahan-dahan kaming bumaba sa mahabang hagdan ng palasyo at naglakad patungo sa labas ng palasyo, pero bago pa tumapak ang aking mga paa sa labas ng palasyo ay bigla na lamang ako napatigil dahil sa sakit na aking naramdaman na nagmumula mismo sa loob ng aking katawan.
"Karma, anong nangyayare sayo?" Nagaalalang tanong ni Pavel habang hawak-hawak ang kamay ko. Napaupo ako sa sakit at sinobukang magsalita pero walang boses ang lumalabas sa aking bibig.
"Karma!" Nagaalalang sigaw ni Pavel, napahawak ako sa kanyang mukha saka napaubo ng dugo.
"Karma pakiusap anong nangyayare sayo," Tumingin ako ng malungkot kay Pavel, nangyare na. Nakausap na ng panglabing limang hari ang demonyong kukuha sa akin.
Napapikit ako dahil sa sakit na nararamdaman ko, muli akong dumilat upang makita si Pavel pero ibang nilalang na ang aking nakita, hindi na si Pavel ang nasa harap ko. Kundi si Zagreus, ang demonyong nakausap ng panglabing limang hari at ngayun ay tinuturing kong kapatid.
"Pwede natin siyang gawing pagkain kay Izaac." Lumitaw sa likod niya si Alada habang naka tingin sa akin, ibang lugar na naman, nasa impyerno kami kung saan nasa silid kami ni Zagreus.
"Hindi, gagawin ko siyang asawa," Malamig na sabi ni Zagreus.
"Tss, nagpapatawa ka ba? hindi ba't ang nais mong maging asawa ay ako?" Mapangakit na tanong ni Alada kay Zagreus.
"Magkapatid tayo Alada," Malamig na sabi ni Zagreus.
"E’di gawin din natin siyang isa sa ating mag kakapatid, hindi mo siya pwedeng gawing asawa Zagreus, mahina siya at walang kwenta sa atin," sabi ni Alada saka hinawakan ang dibdib ni Zagreus.
"Akin ka lang Zagreus, akin lang," Tinulak siya ni Zagreus palayo sa kanya saka tumingin sa akin.
"Ksara." Banggit ni Zagreus habang nakatingin sa akin. "Ksara ang ipapangalan natin sa kanya, painumin mo siya ng dugo ni ina at ama upang maging isa na siya sa ating magkakapatid," sabi ni Zagreus kay Alada. Napangisi si Alada.
"Naririnig mo ba ‘yon Zagreus? may tumatawag sa akin kaya ikaw na ang gumawa sa sinabi mo," sabi ni Alada.
"Pavel." Bulong ko kaya napatingin sa akin si Zagreus.
"Matulog ka na muli." Pagkasabi niya noon ay nandilim ang paligid, para akong nasa isang kadiliman, puro dilim lamang ang nakikita ko maliban sa ilaw sa gitna.
Lumapit ako sa ilaw na iyon saka nilibot ang tingin ko.
"Nakikiusap ako." Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Pavel, bigla na lamang nag-iba ang lugar kung saan ako nakatayo ngayon. Para akong nanunuod ng palabas dahil sa mga nakikita ko, nasa harap ni Pavel si Alada habang nakaluhod si Pavel sa harap ni Alada.
"Bawiin mo ang kasunduan, gagawin ko ang lahat para lamang bumalik si Karma sa akin, paki-usap," Umiiyak na sabi ni Pavel kay Alada, akmang lalapit na ako kay Pavel ng matigilan ako dahil parang may nakaharang na salamin sa aking harap dahilan para hindi ko mapuntahan si Pavel.
"Pavel wag!" Sigaw ko ngunit parang wala siyang narinig.
"Gusto mong bawiin ko ang kasunduan ng kapatid ko at nang ama ng babaeng nag ngangalang Karma?" tanong ni Alada kay Pavel.
"L-lahat gagawin ko, bumalik lang sa akin si Karma," sabi ni Pavel, umiling ako.
"Kahit ano?" Manghang tanong ni Alada kay Pavel. "Bakit mo gustong pabalikin ang Karma na yon kung madami pa namang babaeng nanjan sa paligid?" Natatawang tanong ni Alada.
"Dahil mahal ko ang babaeng yon," Umiiyak na sabi ni Pavel. Tumaas ang kilay ni Alada dahil sa sinabi ni Paavel.
"Sya ang nais kong makasama sa habang buhay, siya ang nais kong maging ina ng aking magiging anak, siya ang nais kong makasama sa iisang bubong at siya ang nais kong hintayin sa harap ng altar, kaya pakiusap nakiki-usap ako, ibalik mo siya,"sabi ni Pavel kay Alada, napatingin ako kay Alada na natawa.
"Kung ganon, kailangan mong pumatay," sabi ni Alada kaya napatingin ako kay Pavel na nakatingin kay Alada.
"Pumatay ka nang dalawang tao Pavel, kapalit n’on ang buhay ng babaeng nais mo," sabi ni Alada kaya napailing-iling ako.
"Wag Pavel, Wag kang makikinig sa kanya," sabi ko, dahan-dahang tumayo si Pavel habang may kakaibang awra.
"Buhay ng iba kapalit ng buhay ng babaeng gusto ko?" tanong ni Pavel kay Alada.
"Hindi madali ang nais mo, tao. Buhay kapalit sa buhay," sabi ni Alada.
"Kung ganon, babalik ako dito pag may napatay na ako," Mahinang sabi ni Pavel dahilan para manlaki ang mata ko.
Hindi, wag. TUMIGIL KA PAVEL! nais ko syang hilahin paalis sa harap ni Alada ngunit may kung anong pumipigil sa akin. Hindi dapat pumatay ng tao si Pavel. Dahil madudungisan ang pangalan niya.