Chapter 10: Kasunduan

1086 Words
Bumalik sa normal ang lahat, nakikita ko na muli ang silid ni Siir habang si Siir naman o mas kilalang Mira ay nasa harap ko, hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman niya ngayon, hindi ko alam kung tama ba ang nakikita kong lungkot sa kanyang mga mata at hindi ko alam kung tama ba na ang naaamoy ko sa kanya ngayon ay puro poot. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha, bagay na kapani panibago dahil ang Siir na kilala ko ay lagaing may nakakapanindik na ngiti sa labi. "B-Bakit?"Tanong ko, ibinaba niya ang kanyang kamay saka tumayo at tumalikod sa akin. "Bakit mo pinasilip sa akin ang iyong nakaraan?" Tanong ko, hindi siya sumagot, nanatili siyang nakatalikod sa akin. Nakita ko ang pag buntong hininga niya saka muling humarap sa akin. "Dahil nais kong katakotan mo ako." Sabi niya habang nakatingin sa aking mga mata. Dahan dahan akong tumayo at nag tungo sa kanyang harapan. "Katakotan ka?" Tanong ko saka tumitig sa kanyang mga mata. "Mas lalo lamang akong naawa dahil sa mga pinakita mo sa akin." Sabi ko, nag iwas siya ng tingin. "Ang isang demonyong napupuno ng galit at puot ay lumalakas at mas nakakatakot Karma." Sabi niya saka muling tumitig sa akin. "Ilang taon akong napuno ng galit at puot, hindi ka ba nag tataka kung bakit hindi mo makita ang anyong demonyo ko sa katawan ng taong ito? Dahil yun sa kapangyarihan ng galit at puot." Sabi niya. Pinagmasdan ko lamang siya. "Ang pinalit nila sayo bilang taga pangalaga ng fourth circle ay ako tama ba?"Tanong ko, tumingin siya sa akin saka ako nilagpasan para mag tungo sa kanyang higaan. Umupo siya mula roon saka muling tumingin sa akin. "Planado ni Alada ang lahat, Sa maniwala ka o hindi, hindi ko nais na maging tagapangalaga ng fourth circle, mas lalo namang maging kagaya niyo."Sabi ko habang nakatingin sa kanya, nakatitig lamang siya sa akin.  "Pinagkasundo ako ng aking ama kay Zagreus, at nais ni Zagreus na gawin akong asawa ngunit kinausap siya ni Alada na gawin na lamang ako bilang isa sa kanilang mga kapatid, nakita ko iyon sa aking nakaraan." Paliwanag ko.  "Gaya mo ay biktima lang rin ako ni Alada." Dagdag ko, Hindi naputol ang kanyang paningin sa akin. "Kung mag tutulongan tayo para kalabanin si Alada may tyansa na makabalik ka muli sainyo at mawala ang sumpang meron sa amin ni Pavel."Sabi ko, natawa si Mira dahilamn para matigilan ako. "At sa tingin mo ba makikipag tulongan ako sa isang mahinang nilalang na gaya mo?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. "Oo."Buong tapang kong sabi dahilan para mawala ang tawa sa kanyang mg labi. "At paano mo naman nasiguro na kakailanganin kita? Isa ka lamang hamak na kaluluwa na may sumpa." Sabi niya, natawa ako saka ngumisi. "Kakailanganin mo ako sapagkat alam ko kung nasaan si Avila." Sabi ko dahilan para mapatayo siya sa kanyang kinauupuan. "Si Avila?" Tanong niya, nakangisi akong nakatingin sa kanya habang pinagaaralan ang kanyang emosyon.  Nakita ko sa nakaraan ni Mira na si Avila lamang ang kasundo niya sa kanilang magkakapatid, nakita ko rin sa nakaraan ni Mira kung paano niya ipagtanggol si Avila ng palayasin si Avila sa kanilang mundo at isumpa. Kita ko rin na malapit na malapit siya kay Avila, na kay Avila lamang bumabait si Mira. "Nasaan si Avila?" Tanong niya. Taas nuo ko siyang pinagmasdan. "Sasabihin ko lamang sayo kung nasaan si Avila kung tutulongan mo ako na mabawi ang katawan ko at talonin si Alada." Sabi ko, tumalim ang titig niya sa akin pero hindi ko ito pinansin. Pumikit siya at huminga ng malalim saka muling tumingin sa akin. "Makakasigurado ba ako na mapag kakatiwalaan ka?" Tanong niya, ngumiti ako at tumango. "Gumawa tayo ng kasunduan." Sabi ko habang marahas na nakatitig sa kanya, natahimik siya habang nakatingin sa akin. Natahimik ang paligid at ang buong silid niya dahil hindi siya sumagot. Maya maya pa ay lumabas sa gilid niya ang isang nag liliyab na papel na may kasamang panulat. "Sige, gumawa tayo ng kasunduan." Sabi niya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Hindi ko lubos akalain na mapapapayag ko siya saa pamamagitan lamang ni Avila, ngumiti ako at tumango. "Ang kasunduan natin ay ituturo mo sa akin kung nasaan si Avila kapalit noon ay tutulongan kitang mabawi ang iyong katawan at mawala ang sumpa sa pagitan niyo ni Pavel, kasama na roon ang pagtulong mo sa akin para talunin si Alada." Sabi niya at habang sinasabi yun ay automatikong nasusulat sa nag liliyab na papel ang mga katagang binibitawan niya. Tumango ako at lumapit sa kanya. "Sa oras na linlangin mo ako, buhay mo at buhay ng lalaking mahal mo ang kapalit." Sabi niya kaya ngumiti ako. "At sa oras na hindi mo ako tulongan, mag lalaho ka na parang bula dahil sa pagsira sa kasunduan." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya, bigla niyang nilabas ang kanyang anyong demonyo saka tumingin sa akin. Sinimulan kong permahan ang kasunduan sa pagitan namin saka ibinigay sa kanya ang nag aapoy na papel at panulat para siya naman ang pumirma. Pinanuod ko siyang pirmahan ang kasunduan hanggang sa matapos siya, umangat sa ere ang papel na lumiliyab saka  umilaw.  "Opisyal na ang kasunduan natin, ngayon bukas na bukas ay sasamahan mo ako papunta kay Avila." Sabi niya saka bumalik sa anyong tao niya, tumango ako bilang pagsagot. "Pag katapos kong makita si Avila tutulongan na kitang mabawi ang katawan mo mula kay Alada." Sabi niya. "Sa loob ng ilang taong pamamalagi dito sa mundo ng mga tao, bakit hindi mo hinanap si Avila noon?" Tanong ko, natahimik siya saka umiwas ng tingin. "Naiintindihan ko kung ayaw mong sabihin ang dahilan, aalis na ako." Sabi ko at tumalikod. "Dahil nangako ako sa kanya na ako ang papalit sa trono ni ina at ibabalik ko siya sa mundo namin." Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya, nakayuko siya at dama ko ang lungkot na nararamdaman niya. "Ayokong makita niya at malaman niya na pinatapon din ako sa mundo ng mga tao gaya niya. Ayokong maawa siya sa akin." Sabi niya saka tumingin sa akin. "Kaya naman sa oras na makabalik ako sa aming mundo, sisiguradohin ko na papatalsikin ko si ama at ina sa trono at ako ang mamumuno sa underworld, saka ko siya ibabalik sa lugar kung saan sya nararapat." Sabi niya, napangiti ako matapos niyang banggitin ang mga iyon. Hindi ko alam na may soft side ang mga demonyong gaya niya, pagdating kay Avila napakalambot niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD