Zhea Kinabukasan ay hindi ko alam kung anong oras na ako nagising pero naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin. "Hey bud, come on wake up." "Hmm, no let me sleep. I’m so tired." Pikit mata kong sabi sa gumigising sa akin at saka tumagilid ng higa. "Bud, come on nagtatawag na sila na aalis na raw tayo mamaya. We need to go downstairs ituloy mo na lang ang matulog mamaya sa kotse." Ano ba’ng sinasabi ni Kysler na natatawag na sila? Sino ang nagtatawag? "Ayoko. I’m really tired Kysler. Ikaw na lang ang bumaba. I can’t stand up, and I really want to take a rest. Please," I said with my eyes close. Narinig ko ang papaalis niyang mga yabag kaya itiuloy ko ang pagtulog ko. Maya-maya ay nagulat ako nang may biglang nagbuhat sa akin at naramdaman ko ang maligamgam na

