Kysler Lumipas ang ilang araw at kinabukasan ay ikakasal na si Xander. Hindi niya makikita si Krysta bago ang kasal dahil sa tradisyon daw na baka hindi raw matuloy ang kasal kapag nagkita sila sa araw bago ng kanilang kasal. Kaya naman natatawa kami ngayon sa itsura ni Xander dahil kanina pa siya hindi mapakali. Ilang beses siyang napapatingin sa kanyang cellphone pagkatapos ay uupo siya at saka hinid mapakali ang kanyang legs na mabilis na nagtataas-baba. “Hoy!” Pukaw ni Keith sa kanya. “Hindi mo ba alam na iyang ginagawa mo ay pampalaki raw.” Napakunot-noo naman kaming napatingin kay Keith dahil sa kanyang sinabi. “Ga*o! Ikaw talaga puro kamanyakan iyang nasa isip mo.” Turo sa kanya ni Xander saka niya binato ito ng unan. Natawa naman ako sa kanilang nakikinig habang kum

