Zhea Malawak ang aking ngiti kinabukasan habang inaayusan na kami para sa kasal ni Krysta. Kaso nadismaya ako kasi si Keith ang kinuhang bestman ni Xander at hindi si Kysler kaya hindi siya ang magiging ka-partner ko mamaya. Medyo nakasimangot ako habang inaayusan ako ng isa sa mga make-up artist. Naramdaman kong siniko ako ni Daphne na aking katabing mine-make upan. “Hoy babae! Bakit ba ang sama ng timpla ng mukha mo at para kang nakikilamay. Kasal ang pinunta mo.” Paalala niya sa akin. “Dismayado lang ako kasi hindi si Kysler ang naging bestman ni Xander. Hindi tuloy siya ang ka-partner ko mamaya.” Natawa naman si Daphne sa akin at napailing. “Akala ko pa naman kung ano ang problema mo at iyan naman pala ang iniisip mo. Magpasalamat ka pa nga at magkasama kayong dalawa ng

