Zhea Isang linggo bago ang kasal nila Krysta at Xander ay napagdesisyonan ni Vernice na magkaroon ng bachelorette party para kay Krysta. Nang wala silang mahanap na venue ay inalok ko ang bahay bakasyunan ko sa Tagaytay. Total hindi naman ito nagagamit kaya magandang pagkakataon ito para hindi naman maging boring ang maganda kong bahay bakasyunan sa Tagaytay. Isang linggo rin kaming hindi magkikita ni Kysler dahil may bachelor’s party din daw sila sa bahay ni Xander. Lulan kami ngayon ng sasakyan papunta sa Tagaytay at masayang nagkwe-kwentuhan sina Vernice at Krysta. Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam sa kanila na ikakasal na rin kami ni Kysler. Hindi naman sa ayaw ko itong sabihin pero ayoko lang agawin ang sayang nararamdaman ng aking kaibigan. Malapit na ang wedding day niy

