Kysler Nasa terrace ako ngayon habang busy na nagtitipa sa aking laptop. Ilang bwan na rin ang nakalipas simula nang tumigil akong pumasok sa aking trabaho. Maya-maya ay linapitan ako ni Zhea at tumabi sa akin. "Hey." "Hey bud." "Ano’ng ginagawa mo?" she asked "I’m actually checking the reports na sinend sa akin ng mga employee ko. It’s been months na rin kasi simula ng hindi na ako sumisipot sa investors ko. They're looking for me already." Natahimik siya bigla kaya napatingin ako sa kanya. "I’m so sorry Kysler." Hinging paumanhin niya. "You don’t need to apologize bud; I should be thankful because you are protecting me. Kung hindi dahil sa iyo baka matagal na akong nawalan ng kompanya. Just do your job bud. I will not complain. Nagagawa ko naman iyong trabaho

