Zhea Warning: SPG Para kaming baliw ni Kysler dahil nagngingitian kaming dalawa na naglalakad sa park na magkahawak kamay. Pagkagaling kasi namin sa hotel ay naglakad-lakad kami hanggang sa napunta kami sa park. Hindi pa rin ako makapaniwala na matagal na pala kaming may lihim na pagtingin sa isa’t isa at ngayon lang namin ito nalaman. Kung alam ko lang na matagal na pala kaming may gusto sa isa’t isa ay ako na ang unang nagtapat sa kanya. Umupo kami sa isang bench at pinagmamasdan ang mga batang nagtatakbukan sa damuhan. “Hays. I can’t contain my happiness right now.” Napatingin ako kay Kysler na malawak ang mga ngiti sa kanyang labi. “Who would have thought that we feel the same way for a very long time now?” “Love moves in mysterious ways nga ‘di ba? Kung alam ko nga l

