(LORIE'S POV) "Ninong..." Nakangiting tawag ko agad kay Ninong Max matapos niyang sagutin ang video call ko. Nasa loob na ako ng kuwarto ko at nakahiga na sa kama ko habang nakasuot ng headphone. Ang suot ko namang pantulog ay manipis na puting sando at pajama pants. Hindi na ako nagsuot ng panty dahil matutulog na lang naman ako. Wala rin akong aircon dito sa kuwarto ko kundi electric fan lang kaya nagsando na lang ako. Lalo pa akong napangiti nang makita ko ang mukha ni Ninong Max sa screen ng phone ko. Kahit may kaunting crack na ang screen ng phone ko ay hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan ni Ninong Max sa paningin ko. Balak nga sana akong bilhan ni Ninong Max ng bagong cellphone, tumanggi lang ako dahil ang dami na niyang ibinigay sa akin at ayaw ko namang maging abusado. Kung

