(LORIE'S POV) "Good morning!" Nakangiti at masiglang bati ko kina Sela at Mira pagdating ko sa classroom namin. Taka naman silang napalingon sa akin mula sa pagku-kuwentuhan. "Alam mo, Lorie, pansin ko na sobrang saya mo lately. 'Di ba, Mira?" Ani Sela. Parang nang-iintriga ang klase ng pagkakatingin niya sa akin na animo'y iniisip niyang may kalokohan o hindi maganda akong ginawa. "Kaya nga... Pansin mo rin, 'di ba, Sela na masyado siyang blooming lately?" naniningkit ang mga matang tanong naman ni Mira kay Sela pero sa akin naman nakatingin. Aba at mukhang napagtsitsismisan na yata ako nitong dalawang classmates ko na kaibigan na rin. No wonder, dahil mas nauna naman silang nagkakilala at naging magkaibigan kaysa sa akin. "Ano ba'ng sinasabi niyo? Masama bang maging happy kahit pami

