(LORIE'S POV) Mabuti na lang at nakapagpigil naman kami ni Ninong Max at matiwasay kaming nakarating sa isang sikat at pang-mayaman na Mall. Hindi iyon 'yong common na Mall lang kundi iyong klase ng Mall na madalas puntahan ng mga celebrity at mayayamang tao. Mas mataas ang kalidad ng seguridad sa mall na iyon at karamihan ay mas matataas na quality ang mga paninda at services sa loob niyon kumpara sa ibang Mall na mas pang-Masa. Nagmeryenda muna kami ni Ninong Max dahil medyo matagal pa naman bago gumabi. Tapos, pumila kami sa ticketing booth at bago pumasok sa sinehan ay bumili kami ng chips, popcorn at drinks. Para lang talaga kaming nagdi-date. But I know na hindi ito date kundi simpleng bonding lang namin ni Ninong. One of those secret, intimate bondings that we'll have. Pagkapaso

