Chapter 20.

1673 Words
WALANG HIMPAY ang akin pag takbo makatakas lang sa tatlong doctor na yon. Hindi ko alam kung saan ako paroroon basta makalabas lang ako sa kwartong yon. Ang naalala ko lang nang makalabas ako nang kwarto na yon ay may nakita akong maliit na pinto sa dulo ng pasilyo ay agad akong pumasok doon. Walang lingon-lingon ako tumatakbo nang mapansin ko may humahabol sakin na mga lalaking nakasout nang pang Americano na karaniwalang sinusout nang mga lalaking lumalabas sa mga movie Or sa telebesyon, alam kong Isa itong mga membro ng mga sindikato. "Aahhhh" Napatili ako ng may marinig akong mga putok ng baril sabay no'n nakarinig ako na may tumatawag sa pangalan ko. " MARIEE!" malakas na tawag nya sa'kin agad ko yon na bosesan si Tattum. Bahagya ko siyang nilingon pero hindi rin ako tumigil sa pag labas sa exit ng hospital. "Marie wait wag diyan sa backdoor ka dumaan! —Sh*t Inuubos nila ang pasinsiya ko mga letse kayo!" hiyaw ni Tattum na may hawak itong dalawang baril basi sa pag kakaalam ko ay kurentaysingko (45) ang hawak ni Tattum. Napatigil ako sa pag takbo nang makita kong himinto si Tattum sa pag takbo at hinarap ang mga lalaking bumabaril sa amin. Agad din niya ito pinag babaril. " Hintayin mo ako sa parking lot, Marie. Susunod na ako. Tataposin ko lang ang mga scumbags na ito." pag ka sabi ay tumakbo na ito at sinalubong ang mga lalaking naka black at agad na pinaputokan. Kitang kita ko kung paano Isa-isa natumba ang mga lalaki. " MARIEE RUNNN!! " malakas na sigaw ni Tattum nang lingonin niya ako. Agad naman ako na taranta hindi ko alam kung anong gagawin. Ayoko sana iwan si Tattum, sa kalagitnaan ng pakikipag laban pero hindi ko rin naman alam kung ano ba talaga ang totoong nangyayari at kinailangan pa ng may mag barilan eh ang gusto lang naman nilang mangyari ay mawala ang Bata sa sinapupunan ko. Ang dami kong tanong sa isip ko na hindi rin naman yon mabibigyan nang kasagutan. Hindi ako makapaniwala na sa nakikita ko, ang bilis ng bawat galaw ni Tattum, parang sanay na sanay na ito sa ginagawa at bihasang bihasa sa pag hawak ng baril. Nang biglang tumama ang baril sa malapit na dingding na kinaroroonan ko ay sumikdol ang takot sa puso ko. Ayoko pang mamatay I want to see my unborn child. Tumakbo ako nang walang lingon lingon makalabas lang sa loob ng hospital na ito. Pero ang pinag tataka ko ay kung bakit wala yata ibang tao sa loob ng hospital. Samantala kanina bago kami pumasok sa kwarto na yon ay ang daming tao na nag papa hospital at nag papa check-up. Ang weird naman, ganito ba kaayaw ni Callum na mag ka anak kami at gusto niyo mawala ang pinag bubuntis ko. Hinihingal akong papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse ni Tattum, ramdam ko pa kanina ang mga yabag ni Tattum na nakasunod sa'kin. Panay parin ang pag patak ng akin mga luha. Nag halu ang sakit, takot na baka mapaano ang bata sa sinapuounana ko na siguradong ikatutuwa ni Callum kung mawala ang anak namin. He'll no! Hindi ko siya hahayaan mawala ang Batang to. Tanaw ko na sana ang kotse ni Tattum ng may biglang humila sa braso ko. "Ahhh.." napahiyaw ako sa sakit ng tumama ang mukha ko sa matipuno at matigas niyang dibdib at amoy na amoy ko ang manly scent niya. Hindi familiar sa'kin ang amoy. " Sshh, relax Marie it's me." aniya sa mababang tuno. Nanginginig kong ni angat ang aking mukha para sana makita kung kanino ang boses na yon. Isa ito sa mga kaibigan ni Callum at nag tatrabaho din ito sa Riot Restaurant ni Callum, nakita ko na siya noon sa canteen ng University na pag aari ng ama ni Callum. " Come with me, Marie. We need to get out of here." seryoso niyang saad. Nang hindi parin ako kumikilos kahit hawak hawak na niya ang pulsohan ko ay muli niya ako tinitignan na madilim ang mukha. "Look, Marie. Callum's ordered me to save you and protect you from the men chasing you. Awhile ago." He explained when he noticed that I wasn't moving. Napakunot ang aking noo nang sabihin niyang inutosan siya ni Callum na iligtas ako sa mga lalaking yon eh samantala sabi nila ay gusto daw ni Callum na mawala ang anak namin dahil makakasira lang daw ito sa pag sasama nila ng kaniyang asawa. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Sasagot na Sana ako nang marinig ko muli ang boses ni Tattum na tinatawag ang pangalan ko habang tumatakbong papalapit sa kinaroroonan namin ni Bryan. "Marie stay away from him hindi kakampi!" malakas na sigaw ni Tattum. Napasinghap ako ng biglang humigpit ang pag kaka hawak ni Bryan sa braso ko na ikinabahala ko. "Let's go Marie, Callum is waiting to us" Marin niyang bulong sa tenga ko. "Nooo! Marie, wag kang sumama sa'kanya- I'll kill you Mr. Drus akala mo hindi ko malalaman ang tungkol sa hiding personality mo!" pa sigaw parin na sabi ni Tattum na nakatotok parin ang hawak niyang baril sa amin ni Bryan, pero ngisi lang ang sinagot sa kaniya ni Bryan, hindi ko alam ang mga pinag sasabi ni Tattum si Bryan at bakit Drus ang tawag niya dito ang alam ko lang ay tauhan siya ni Callum. " S-sandali, Bryan. Saan mo ba ako D-dadalhin? W-wala na akong pakialam kay Callum. Kaya bitaw-" "Let's go Marie." usal ni Bryan na ikinaputol ng pag sasalita ko atkinaladkad na niya ako papalapit sa isang itim na kotse. Papalag pa Sana ako nang makarinig muli ako ng sunod-sunod na putok ng baril. Muling kumalabog ang malakas na kabog ng akin dibdib dala ng takot at kaba sa mga nang yayari hindi ko tuloy Alam ang gagawin kung saan ako pupunta. Lumingon ako sa kinaroroonan ni Tattum upang tignan ang kaniya reaction pero abala siya sa pakikipag laban sa mga ibang lalaki na gustong dumakip sakin kanina. "MARIIEE!!" Muling sigaw ni Tattum na ngayon ay sa amin na ito papunta at malalaking hakbang habang nakatutuk sa amin ang dalawang hawak na baril. Napasinghap ako nang makarinig ako ng kaskas na gulong ng sasakyan at sa isang iglap parang nag slow motion ang nang yari bilang tumilapon sa taas ang katawan ni Tattum, at bumagsak muli sa sahig na dugoan. Sinadyang sagasaan si Tattum ng kotse. "T-TATTUM!! HMMMM...." na putol ang pag tawag ko kay Tattum ng may tumakip sa akin bibig at ilong ko. Langhap na langhap ko ang masang sang na amoy. Bago pa mag dilim ang akin paningin ay kitang kita ko ang isang Familiar na motor na ducate na huminto sa dapat ni Tattum at nakipag laban din ito at nakipag barilan din sa awra pa lang ng lalaki ay kilalang kilala ko ito si Knight, ang bunsong kapatid nila Callum at Tattum. Gusto ko sana idilat ang akin mga pero sayang kusa na itong pumipikit at tuloyan na akong nilamon ng kadiliman. Nagising ako sa hindi familiar na kwarto nilibot ko ang akin paningin sa kabuan ng kwarto. Wala akong Ibang nakikita kundi sa isang maliit na lamesa at isang bilog na ilaw at isang small bed na gawa sa bakal may maliit na glass window ang nag bibigay liwanag sa kwarto. Nag lakad ako papunta sa pinto. Bago ko pa mahapit ang doorknob ay biglang bumukas ang pinto. May isang middle of age na babae ang tumanbad sa'kin. Hindi kalayoan ang edad kay Mommy or medyo matanda lang ng kunti kay Mommy sufistikada ang dating ng babae. " Buti naman at gising kana Marie!" Masrti niyang saad napaatras ako pabalik sa loob ng kwarto nang dere-deretso niyang pasok sa loob na sinadya pang ba gain ang akin kanang balikat ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, bakit kilala niya ako samantala ngayon ko lang siya nakita. " Kumosta na ang princess ni Marga at Vince, ang unika iha ng mga Rosales!" nakangisi niyang sambit. "N-nasaan ako?" na uuntal kong tanong sa sopistikada na babae, imbes na sagotin niya ang tanong ko ay tinaasan lang ako nito ng kilay, na banaag sa mukha nito na kilala ang familya ko. Well alam ko naman na maraming nakaka kilala kila Mom at Dad dahil na rin sa kilala ang familya namin sa larangan ng business world na kinabibilangan nito lalo na si Daddy na Bata palang ay kilala na ito na business tycoon. Ayon sa pag kakaalam ko Batang billionaire si Daddy at siya rin ang CEO sa company nila dahil siya ang panganay sa kanila ni Tito Victor at bukod Doon ay may mga sarili din siya mga restaurant at hotels sa Iba't ibang bansa. "OH! Oo nga pala, hindi mo alam kung nasaan ka? Kasi manang mana ka sa nanay mong si Marga na feeling Innocent pero ubod naman ng land—" "That's enough, Sheila. Baka matakot sayo si Marie. Lalo lang tayo mapasama kay boss!" seryosong saad ni Bryan na ikinatigil mag salita ni Sheila. Sheila pala ang pangalan ng babae, ngayon ko Lang narinig ang pangalan niya pero bakit mukhang kilala niya sina Daddy at Mommy. " Hah! Eh bakit ka naman natatakot sa kaniya eh Diba eto naman ang gusto ni boss mo? At sasabihin ko ang gusto kong sabihin dahil sa akin siya ipinag ka tiwala ng boss mo ang babaeng yan, Isa pa malaki ang atraso ng mga magulang niya sa'kin lalo na ang malandi niyang nanay!" pa sigaw na latinya ni Sheila nang gagalaiti ito sa galit. Hindi ko alam kung ano ang atraso ng mga magulang ko sa babaeng to pero hindi ko maibuka ang bibig ko dahil hanggang ngayon ay Wala pa akong naiintindihan sa mga nangyari bakit ako na rito. Para akong sabog na walang nangyayari sa paligid. " I don't care what they did to you, Sheila. The most importante to me ay magiging safe si Marie. Until the day she gives birth at makuha na ni Boss ang baby."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD