Chapter 1 - Anonymous call
Madaling araw na ng magising si Zed. Agad siyang naghanda sa kanyang pagpasok sa skwelahan. Kasulukuyang nasa 1st year college at ang kurso niya ay isang HRM sa isang pribadong eskwelahan.
Isa siya sa nabigyan at nakapasa sa schollarship ng skwelahan at ang kapalit nito ay ang pagtatrabaho niya ng 8 hours a day sa canteen.
"Hoy! Ikaw! Linisan mo nga ito! Ang dumi-dumi naman ng canteen niyo!" pasigaw na utos ng isang studyanteng pinapalibutan ng kanyang mga barkada.
Agad na linapitan ni Zed ang mga studyante at mabilisang nilinis ang kalat sa lamesa nito. Patapos na siyang maglinis ng biglang sadyain na kalatin ng isang studyante ang iniinom nito sa mesa.
" Ay sorry! Di ko sinasadya!" nakangiting sabi nito
Tiningnan ni Zed ang binata sa mata at dinedma. Gigil na gigil ang binata pero di niya pinalagan. Inisip nalang niya ang schollarship na pinagpaguran niyang makuha.
"Anong tinitingin mo? May problema ba?!" galit na sabi ng binata sabay sinyas sa kabarkada nito.
Di pinansin ni Zed ang pambubully niya na sobrang ikinainis ng binata.
Pagkatapos niyang linisin ang kalat sa lamesa ay dahan-dahan siyang umalis nang biglang patirin nito ng isa sa mga kaibigan ng lalaki.
Deretsong natumba si Zed sa sahig at dinig na dinig ang lagapak at pagkabasag ng mga plato sa buong canteen.
"Hahahahah! Pare! Ano kaba? Kahit simpleng paglakad di mo alam? Pambihira ka! Binasag mo pa mga kagamitan dito sa canteen!" nakatawang sambit ng binata.
"Ikaw! Halika nga dito sa likod ng canteen! Simpleng trabaho di mo magawa?! Isa kang schollar dito sa skwelahan namin hindi tagabasag ng pinggan! Linisan mo yan!" pasigaw na utos ng may-ari ng canteen.
"Yan ang napapala ng mga taong kung makatitig sa akin ay parang ka level ko! Lumugar ka sa tinititigan mo! Di magkatulad ang taong nasa langit na gaya ko at taong nasa lupa na kagaya mo!" insultong sabi ng binata sabay ngiti nito kanya.
Di makatingin si Zed sa binata at agad nitong nilinis ang basag na pinggan at nagrurumihang kalat.
Galit na galit si Zed pero wala siyang magawa dahil kailangan niyang maging schollar para makatapos ng pag-aaral.
Si Zed ay isang stay in student ng skwelahan. Kahit na sobrang hirap niya, kahit na ang suot niya ang may tahi sa gikid or likuran. Kitang-kita talaga sa hitsura niya ang kagwapohan niya.
Mag aalas otso na ng makauwi si Zed sa kanyang dorm. Sa sobrang pagod niya ay nag desisyon siyang magpahinga ng biglang makatanggap tawag.
"Ring! Ring!"
"Hello? Helloo?"
Click!
Nung sagotin ni Zed ang tawag ay bigla nitong binaba ang telepono. Ni kahit sound ay wala siyang narinig sa kabilang linya.
Naisipan ng binata na baka wrong number lang kayat minabuti niyang maligo at magsipilyo. Di na napansin ni Zed ang follow up message dahil pagkatapos niyang maglinis ng katawan ay deretso siyang nag study at natulog.
Kinabukasan ay dali-dali siyang pumasok sa kanyang silid aralan ng bigla na naman siyang pinatid ng parehong mag barkada na na encounter niya sa canteen.
"Bat ka andito?! Taga linis ka ng canteen diba?" patawang sabi nito sa kanya
"Linisin mo nga tung armchair ko! Ang dumi!" pautos na sabi ng kabarkada nito
"Tama na nga yan Richard! Ka bago bago ng school year at naghahanap ka na naman ng away! Wag mo silang pansinin! By the way Im Shiela!" ngiting sabi nito sabay niyang inabot ang kanyang kamay para makipag shake hands.
Lumingon si Zed sa dalaga at natulala sa kagandahang angkin nito. Di man lang siya nakapag saysay ng pangalan nor nakapag shake hands dahil pumasok agad ang kanilang professor.
"Class! Sit down!" mabilisang nag upuan ang mga studyante at nakinig sa kanilang professor.
Lingid sa kaalaman nila ay napaka okay ng kanilang professor at mostly sa mga studyante nito ay paborito siya maliban sa isa.
Ilang buwan na ang nakaraan ng pagalitan si Zed ng kanyang professor dahil sa kawalan ng uniporme. Kahit na inexplain ni Zed ang rason kung bakit wala siyang uniporme ay di ito natinag. Mabuti nalang at napapayag ito ni Shiela na hayaan siyang pumasok kahit walang uniporme.
Pinaka ayaw ng professor nila ang mga taong tulad ni Zed. Ayaw niya sa mahirap na tao na nakakasalamuha niya. Di niya gusto ang pakiramdam na humihinga siya sa parehong ere kung saan humihinga ang low class poor people.
Madalas ay binabato niya si Zed ng eraser ng walang rason at ginagawa niyang example kapag nagta-topic siya ng low class people with poor nature.
Masakit man pakinggan ay dini dedma nalang ni Zed ang mga ito parang lang makapag aral.
Matapos mag aral ay balik na naman siya sa pagtatrabaho sa canteen.
Di man interesado sa mga taong nakapalibot sa kanya ay bigla siyang naging interesado kay Shiela.
Panay pagtatanggol kasi ni Shiela sa kanya at halos araw-araw siyang kinukulit nito para lang maging kaibigan. Palihim na nagkakagusto na siya hanggang sa isang araw, nalaman niyang pinag pustahan lang pala siya ng magkakaibigan.
Simula nun ay ayaw na niyang makipag kaibigan maliban sa mga close friends niyang schollars.
"Ui Zed! May party sa bahay namin! Baka gusto mong pumunta?" ngiting tanong ni Gino.
"Salamat sa invitation mo pero busy ako masyado. Magtatrabaho pa ako sa canteen eh. Wala din akong damit." sagot ni Zed
"Ganon? Wag ka mag alala! Papahiramin kita! May 3 around 9pm sa Mega Star hotel na pagmamay-ari namin. "
"Wow! Seryoso? Sige bro! Titingnan ko lang if makakapunta ako.Salamat uli!" ngiting sambit nito
"Isama mo na din yung kaibigan mo para naman maging komportable ka!"
"Ok bro! Sasabihin ko sakanya! Salamat uli!"
Dahan-dahang tumalikod si Zed at naghanda papuntang canteen. Halos di niya ma explain ang saya niya. For the first time, may nag invite sa kanya sa party. Ang anak pa ng CEO ng school nila. Ang bait pa nito sa kanya.
"Mga pre! Pumayag na ang kumag! Sigurado akong pupunta yun sa party!" patawang sabi nito sa barkada niya
"Nice one Gino! Ikaw Gab! Pupunta ka ba? Gagawin nating katatawanan si Zed! Yung pobreng tagaligpit ng pinggan!" ani ni Ray
"Sure! Hahaha naku naku! Buti nalang at may bago akong video camera na pwede pang record! Siya ang magiging laman nito! Hahaha"
Nagtawanan ang magbabarkada habang tinitingnan nila si Zed papunta ng canteen.
"Josh! Kumusta ang bakasyon mo? Na miss kita!" galak na sabi ni Zed.
"Oa mo naman pre! Magtrabaho na nga tayo para matapos na agad tu!" pabirong tugon ni Josh
Si Josh ang nag iisang close friend ni Zed na halos itinuring niya ng kapatid. Kamakailan kasi ay umuwi ang parents ni Josh galing Canada kayat kailangan niya munang mag leave para salubungin ito.
Kinuwento ni Zed ang imbitasyon sa kanya hanggang sa napapayag niya si Josh na sumama.
Sa sobrang bilis ng araw ay May 9 na. Excited na si Zed na tapusin ang trabaho niya sa canteen para maka attend ng party. Pagka uwi nya ay may nakita siyang box sa harap ng pintuan ng dorm niya at may nakalagay na Gino.
Binuksan niya ang box at laking mangha niya dahil ang laman nito ay isang white polo shirt with bow tie and slacks. May sapatos at socks pa. Excited niyang sinukat ito sabay kuha ng litrato gamit ang cellphone nya.
Ilang oras nalang ay magsisimula na ang party. Ang pagkakatanda niya ay magsisimula ito around 9pm. Kabado siyang naghihintay sa labas ng venue ng biglang tumunog ang kanyang telepono.
"Hello Zed! Saan kana? Andito na ako sa loob ng venue! Grabe pare! Ang ganda!" tugon ni Josh
"Ay ang daya! Nasa labas ako hinihintay ka. Sige papasok na ako! San ka ba banda?" sagot ni Zed
"Nandito ako sa gilid ng napakalaking cake malapit sa stage! Puntahan mo ako dito! Eto ang suot ko!"
Agad na receive ni Zed ang litratong sinend ni Josh at dahan-dahang pumunta sa gilid ng stage.
Habang naglalakad ay napansin niya ang kasabayang binata na halos magkaparehas ang kanilang suot. Di niya pinansin ito at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa magkita sila ni Josh sa gilid ng cake malapit sa stage.
"Wow pare! Ang ganda ng lugar! Hanep!" manghang sabi ni Zed
"Oo nga eh! Hayaan mo pag nagpa party mama ko iimbitahin kita" ngiting sabi ni Josh
Habang nag-uusap ang magkaibigan ay biglang nakatanggap ng tawag si Zed sa isang random number. Sinagot niya ito ngunit wala siyang narinig sa kabilang linya. Binaba nalang ni Zed ang kanyang telepono at nagpatuloy sa pakikipag-usap kay Josh.
"1 new message!"
Nakatanggap ng isang message si Zed ngunit di na niya ito napansin sa sobrang mangha sa venue.
"Ui Zed! Andito kana pala! Kanina kapa namin hinihintay!" ani ni Gino
"Wow pare! Ang ganda-ganda dito! Ibang klase talaga kayong mayayaman!" manghang sabi ni Zed
"Oo naman! Halika sama ka sa table namin! Nasa gitna yung table namin! Antayin kita dun!
"Sige pre! Pwede ko bang isama si Josh?" tanong ni Zed
"Isama mo na!" sagot ni Gino
Maya-maya ay umalis si Gino papunta sa barkada niya. Agad siyang umupo sa centro ng party at nakipag-usap sa mga kaibigan niya.
Papunta na si Zed sa kinaroroonan ni Gino ng biglang tumayo si Gino sa harap ng stage. Agad siya nag announce ng isang laro at kasali lahat ng tao sa gitna ng stage.
"Sa lahat ng nandito! Welcome sa aming party kung saan ay ipinagdidiwang namin ang pagiging successful ng aming kompanya! Alam naman natin na napakahirap ng sitwasyon ngayon pero gusto ko munang walain ang tension na bumabalot sa ating mga isipan!" ngiting sabi ni Gino
"Aiiii Gino baby!" sigaw ng mga kababaihang nagkakagusto sa gwapong binata.
"Diba siya ang anak ng CEO ng school natin? Ang gwapo niya pala. Gusto ko siyang pakasalan! Aaaayyyy" kilig na sabi ng mga dalagita
"Dahil gusto kong maging happy ang party natin ay naisipan kong pumili ng mga studyante upang maging contestant. Lahat sila ay uupo sa mga lamesang nasa stage depende sa perang dala-dala nila!"
"Lahat ng nasa gitna ng hall ay di na makakalabas. Papaligiran kayo ng caution sign at ang tanging daanan lang ay papunta sa stage. So sa lahat ng taong nasa gitna ng caution sign, pipili kayo ng table depende sa perang dala-dala niyo!" tuwang sabi ni Gino
"Ahm excuse me pre! Di kami sasali!" hiyang sagot ni Zed
"Oo nga! Pass kami dito pare!" tugon ni Josh
"Wag naman kayong kill joy jan Zed! Lahat naman tayo ay mag eenjoy eh!" ngiting sambit ni Gino
"Oo nga naman!" bulyaw ng mga kabarkada ni Gino
"Ngayon simulan na natin ang laro! Pila na kayo mga contestants at pumili na kayo ng mga table na naayon sa pera niyong dala!Its showdown! "
"Wow naman! Si miss ganda with Purple dress and ribbon ang unang pipili at ang pinili niya ay ang nasa $100,000 table!" sigaw ni Gino
"Hmmph?!! Para sayo darling" tuwang-tuwa na sambit ng dalaga sabay kindat sa binata
"Yes gorgeous!" ngiting sabi ni Gino sabay flying kiss sa dalaga
"Ang binibining naka maroon dress ay pipiliin ang worth $250,000 table".
"Ay sis! Tingin ko akin siya!" excited na kantiyaw ng dalawa sa naunang dalaga
"Ikaw pare na naka black long sleeves with a bag of Louis Vuitton ano ang pipiliin mo??"
Tumayo ang lalaki habang tinataas niya ang glass of champagne sabay sabi ng "Cheers gorgeous!".
Dahan-dahan nitong pinili ang worth $1,000,000 table.
"Goodness! $1,000,000 table is occupied na!"
"Ikaw miss curly blonde!" sabay kindat ni Gino
"Anong table ang pipiliin mo??"
Bonggang tumayo ang dalagita sabay tingin sa salamin at naglakad patungo sa $2,000,000 worth na table.
"You are mine babe!" paupong sabi ng dalaga with flying kiss kay Gino
"Hanep pare! Pinagkakaguluhan ka na ng mga kababaehan" ngiting sambit ng magbabarkada
"Ikaw na Zed! Anong table ang pipiliin mo?"nakangiting sabi ni Gino
Tiningnan ni Zed ang amount ng bawat lamesa at ang lahat ay nagkakahalaga ng $200,000 pataas. Agad nahiya si Zed sa sitwasyong tinatamasan niya. Kahit ilang taon pa siyang mag trabaho ay di niya ma aafford ang presyo nito.
"Pare, wag mong sabihin na wala kang pera na nagkakahalaga ng lamesang nandiyan sa stage?" patawang tanong ni Gino
"Bat kaba nakapasok dito eh di naman pinapapasok ang mga kagaya mong pobre at di high class na tao?" sigaw na sabi ng nakaupong dalaga
"Tingnan niyo din ang suot niya! Katulad ng suot ng mga janitor! Sino ba nagpapasok sa kanya?" diring-diri na tanong ng mga guest
Sa sobrang hiya ni Zed ay tumakbo nalang siya palabas ng party at mabilisang umuwi ng dorm. Di niya halos akalain na ang sakit pala sa pakiramdam na pang dirian ng mga taong di naman siya kilala.
Naghanda na si Zed matulog ng mapansin niya ang cellphone niya na may message.
Gulat at di makapaniwala si Zed kanyang nabasa. Ang tanging naintindihan niya lang ay ang katagang
"You received $80,000,000".